Ate Guy kay Pacquiao: Sigurado akong mananalo siya laban kay Mayweather! | Bandera

Ate Guy kay Pacquiao: Sigurado akong mananalo siya laban kay Mayweather!

Ervin Santiago |April 28,2015
facebook
share this

Ate Guy kay Pacquiao: Sigurado akong mananalo siya laban kay Mayweather!

Ervin Santiago - April 28, 2015 - 02:00 AM

nora aunor

Sa June 10 nakatakdang operahan sa lalamunan si Nora Aunor sa Boston, Massachusetts, USA. Aalis patungong Amerika ang Superstar sa June 7.

Ayon kay ate Guy, naibigay na rin ng kanyang kaibigang si Boy Abunda (na isa ring kilalang Noranian) ang naipangako nitong financial support para sa kanyang operasyon.

Nagdarasal si Nora na maging matagumpay ang operasyon para maibalik na ang kanyang normal na boses at muli siyang makakanta.

Nang tanungin kung ninenerbiyos ba siya, “Malakas ang loob ko at ang tiwala ko rin sa Panginoon…hindi naman siguro Niya ako pababayaan. Matagal ko nang hinihintay ito na maoperahan ako para maibalik ulit yung aking pag-awit para sa mga kababayan ko.”

Samantala, natanong din ang Superstar matapos niyang tanggapin ang kanyang Outstanding Performance By An Actress In A Single Drama/Telemovie Program award mula sa 6th Golden Screen TV Awards (para sa Studio5 Original Presents: When I Fall In Love ng TV5) tungkol sa nalalapit na bakbakan nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather, anang aktres, malakas ang feeling niya na magwawagi si Pacman.

“Siguradong mananalo ‘yon! Kaya…congratulations! Binabati ko na siya, ngayon pa lang. Good luck. Good luck po sa kanya,” ang mensahe ng Superstar para sa Pambansang Kamao.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending