Sa negosyong tindahan susuwertehin (2) | Bandera

Sa negosyong tindahan susuwertehin (2)

Joseph Greenfield |April 28,2015
facebook
share this

Sa negosyong tindahan susuwertehin (2)

Joseph Greenfield - April 28, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Arnold ng Tubod, Carmen, Davao del Norte

Problema:

1. Kagagaling ko lang po sa abroad at may konti akong naipon, kaya gusto ko sanang magsimula ng negosyo. Sa kasalukuyan po ay may tindahan kami sa bahay ang gusto po ng misis ko ay kumuha kami ng puwesto sa palengke at doon kami magsimula ng grocery.

2. Itatanong ko lang po kung bagay po ba sa aming mag-asawa ang negosyong grocery sa palengke o sa poblacion at may pag-asa kayang yumaman kami sa ganitong negosyo. February 14, 1980 ang birtyhday ko at October 23, 1981 naman ang misis ko.

Umaasa,
Arnold ng Davao Del Norte
Solusyon/Analysis:
Astrology:

Ang zodiac sign mong Aquarius (Illustration 2.) at Libra naman si misis ay nagsasabing compatible at tugma kayo, hindi lamang sa pag-ibig at relasyon kundi pati na rin sa salapi at sa pagpapalago ng materyal na kabuhayan sa pamamagitan ng negosyo.

Numerology:

Ang birth date mong 14 at 23 naman ang misis mo ay nagsasabing kapwa kayo suwerte sa negosyo, at dahil sa negosyong tinadahan o grocery na binabalak ninyo, lalo na kung iro-rolling o mairarasyon nyo ang iyong mga paninda, tiyak ang magaganap sa taong 2021 magsisimula na kayong yumaman.

Luscher Color Test:

Upang masigurado ang malaking pag-asenso sa laranganng pagnenegosyo, kung halimbawang may negosyo na kayo siguraduhing gumamit ng kulay na pula at iba pang matitingkad na kulay para sa opisyal na logo o kulay ng inyong negosyo. Sa ganyang paraan, tulad ng nasabi na mas madali kayong yayaman at aasenso.

Huling payo at paalala:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Arnold ayon sa iyong kapalaran, tama ang landas na tinatahak ninyong mag-asawa sa ngayon, mas makabubuti sa iyong kapalaran ang mag-negosyo. Sa tulong ng misis mo lalo na’t kung siya ay medyo chubby, pango ang ilong at pandak, tiyak ang magaganap, sa itatayo nyong tindahan p grocery sa poblacion o sa palengke, sa taong papasok sa 2021, sa edad mong 40 pataas at 41 naman si misis, magsisimula na kayong umunlad hanggang sa tuloy-tuloy ng yumaman na nakatakdang mangyari ang pagyaman ng ubod ng yaman sa taong 2030 sa edad mong 50 pataas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending