Horoscope, April 28, 2015 | Bandera

Horoscope, April 28, 2015

Madam Sophia |April 28,2015
facebook
share this

Horoscope, April 28, 2015

Madam Sophia - April 28, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Tandaang kapag buo ang tiwala mo sa iyong sarili, tuloy-tuloy ka nang uunlad hanggang sa yumaman. Sa pag-ibig, i-enjoy mo lang ang pakikipag-relasyon sa isang Virgo. Mapalad ang 6, 13, 19, 27, 33, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sarva-Dushta-Om.” Yellow at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Upang mas lalo pang dumami ang oportunidad ng pagkakakitaan iwasang magalit. Sa pag-ibig, ngayon na ang panahong upang itigil ang immoral na relasyon. Mapalad ang 3, 9, 28, 31, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Pad-Me-Om”. Maroon at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Negosyong may kaugnayan sa prutas, tubig at likido ang dapat simulan. Sa nasabing kalakal uunlad at yayaman. Sa pag-ibig, kung pagyaman at maraming salapi ang nais piliin ang isang Capricorn. Mapalad ang 4, 17, 26, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Beejaa-Om-Avayara.” Green at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Wag nang habulin ang napurnadang relasyon, sa buwan ng Mayo may darating na mas masarap at mas maligayang suyuan. Simulan ang negosyong noon mo pa naiisip – kalakal na may kaugnayan sa pagkain at may kaugnayan sa modernong kumunikasyon. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Jagat-Guro-Deva-Om.” Beige at white ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Bigyang aksyon ang anumang iniisip, sa ganyang paraan kumikilos ka, hindi ka mapagbibintangang puro pangarap ka lang! Laging maging praktikal upang mas mabilis na lumigaya at yumaman. Mapalad ang 4, 16, 25, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Red at green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Maging maingat sa anumang pagde-desisyong gagawin. Balikan at muling makipag-ugnayan sa taga-payong Aries at pagkatapos sa mungkahi niya ikaw sumunod – sa ganyang paraan magtatagumpay ka at mas magiging maligaya. Mapalad ang 1, 19, 28, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shari-Dosya-Om” Orange at blue ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Tapusin na agad ang mga bagay na sinimulan. Mas mabilis na yayaman kung hindi na ibibinbin pa ang mga gawain. Sa pag-ibig, tapusin na rin ang pakikipag-relasyon sa isang taong walang kuwenta, humanap ng isang Libra. Mapalad ang 5, 8, 17, 23, 32, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shanti-Toshasi-Om.” Gray at beige ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Sa pinansyal, hindi mo ba nahahalata, sinasamantala nila ang iyong kabaitan? Wag magtitiwala kung kani-kanino. Sa pag-ibig, isa lang ang dapat na pagkatiwalaan – ang kasuyong Aquarius. Mapalad ang 7, 16, 22, 25, 34 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Manno-Vanaspatir-Om.” Black at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi dapat mang-api ng kapwa, habang nagkakapera, mas lalo kang dapat na magpakabait at magpakumbaba. Sa ganyang paraan lalo kang pagpapalain ng tadhana. Sa pag-ibig, alagaan ang pakikipag-relasyon sa isang Cancer. Mapalad ang 2, 17, 26, 35, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Yena-Devasya-Om.” Green at white ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa bawat pagsubok ng buhay, nagkukubli ang malaking tagumpay. Huwag susuko, walang dapat gawin kundi ang magpatuloy nang magpatuloy hanggang sa umunlad at lumigaya. Mapalad ang 1, 4, 13, 28, 34, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aim-Avira-Virma-Om.” Pink at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ituloy mo lang ang ginagawang mga pagsisikap malapit na malapit ka nang umunlad. Sa pag-ibig, wag hayaang lumayo ang kasuyong Taurus. Mapalad ang 4, 17, 22, 35, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Nahme-Om-Naiva-Me.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Ipakitang iba ka sa lahat! Kakaibang produktong na wala pang nakakaisip ang dapat simulan. Sa unique na negosyo ka yayaman. Sa pag-ibig, kakaibang romansa ang ipalasap sa kasuyo upang mawili siya sa iyong makipagniig. Mapalad ang 3, 17, 22, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Deva-Om.” Lilac at orange ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Magdikit sa dingding ng ganito: “Umuunlad at lalo pa akong yumayaman!” Tatlong beses na basahin, araw-araw ang nasabing kataga at makikita mo paglipas ng 5 taon mayamang-mayaman at maunlad na maunlad ka na. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Every day in every way I’m getting richer and richer!” Red at green ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending