Kalat na: Bumaha ng libreng tiket sa concert ni Alex | Bandera

Kalat na: Bumaha ng libreng tiket sa concert ni Alex

Cristy Fermin |April 28,2015
facebook
share this

Kalat na: Bumaha ng libreng tiket sa concert ni Alex

Cristy Fermin - April 28, 2015 - 02:00 AM

toni gonzaga

Hala! Mismong ang kasamahan naming manunulat na si Roel Villacorta pala ay nakatanggap ng ticket para sa show ni Alex Gonzaga sa Araneta Coliseum nu’ng nakaraang Sabado nang gabi.

Manonood daw ito ng “Avengers” sa Gateway Cinema, pero bago pumasok sa sinehan ay nag-ikut-ikot muna ito sa paligid ng Araneta Center, nu’n nga ito inabutan ng tatlong tickets para sa concert ni Alex.

Tinanggap nito ang ticket at plano sanang ibigay ‘yun sa kanyang mga pamangkin, pero laking-gulat ni Roel, anim na tickets naman pala ang ibinigay ng mga paikut-ikot na production people sa kanyang mga pagbibigyan sana.

“Paano nila ngayon sasabihing sold out ang tickets sa concert ni Alex Gonzaga? Totoo ang sinabi nu’n ng mga nanood ng concert ni Toni, ipamimigay rin ang mga tickets para sa concert ni Alex dahil ganu’n din ang nangyari sa panonood nila ng concert ni Toni,” sabi ng isang kausap namin.

Walang masama sa pangangarap, libre naman ‘yun para sa lahat, kaya lang ay ramdam ng mas nakararami na inaapura ng kanyang pamilya ang mga pangarap ni Alex.

“Mas maganda kung hihintayin nilang mangyari ‘yun nang kusa. Kesa naman sa ganyan na para lang masabing successful ang concert niya, e, mamimigay lang naman pala sila ng mga tickets,” banggit uli ng aming kausap.

Kahit si Alex Gonzaga ay hindi magiging masaya sa ganu’ng klase ng tagumpay. Pilit. Mapakla kasi. Hindi natural at normal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending