Ai Ai buking lahat ng kalokohan ni Sancho | Bandera

Ai Ai buking lahat ng kalokohan ni Sancho

Julie Bonifacio |April 28,2015
facebook
share this

Ai Ai buking lahat ng kalokohan ni Sancho

Julie Bonifacio - April 28, 2015 - 02:00 AM

aiai delas alas

Right after ng acting workshop ni Sancho Vito delas Alas ay isinama agad siya sa cast ng bagong serye na Let The Love Begin ng GMA 7.Naunang tumapak muli sa Kapuso network si Sancho sa kanyang ina at Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.

At noong winelkam si Ai Ai ng mga ehekutibo ng GMA ay kasama siya ng kanyang ina. “Sobrang excited po kasi parang wala. Parang nasa bahay lang din po kami.

Kasi ngayon madalas kaming magkita sa bahay and nakaka-surprise kasi hindi namin pinag-uusapan. Parang, ‘Boom! Kapuso na ako.’ “Wow! Ang saya.

Parang isa ‘to doon sa mga dream ko na matutupad na makasama ako sa work niya,” masayang tsika sa amin ni Sancho.
Natupad din sa wakas ang isa sa mga dream ni Sancho na makatrabaho si Ai Ai.

“Sobra! Fan ako ng nanay ko and sobrang idol ko siya. And dream ko na makasama sa work niya, gusto kong ma-experience ‘yun. Kasi, iba ‘yung nanay, iba ‘yung katrabaho rin. So, kumbaga, all-in-one, andito lahat kaya super masaya.”

Sinabi naman ni Ai Ai na security blanket niya ang kanyang anak na si Sancho. “Yeah, kasi kapag mayroong problema naman ‘yan or any decision making lagi ‘yan nagtatanong, ‘Sa palagay mo, alin ba ang mas okey gawin? Eto ba o eto?’

Kumbaga, lagi kaming nagbibigay ng advise sa isa’t isa. Kaya feeling din niya ako ‘yung security blanket niya. Tsaka lagi rin akong nandiyan for him.

Kumbaga, konting kibot, ‘O, Ma, ano’ng kailangan?’ Wala kaming inhibitions sa isa’t isa.” Kabisadung-kabisado rin daw siya ng kanyang ina.

“As in, lahat ng kalokohan ko alam niya. Saka sa sobrang closeness namin alam niya kapag nagsisinungaling ako. Saka ‘yung body language ko kapag makikita niya ako, ‘May problema ka ‘no?’ ganyan. ‘May iniisip ka ‘no?’

Yun ang connection. Sobrang close namin ngayon,” kwento pa ni Sancho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending