Daniel biglang nagbago ang ugali, tamad nang ngumiti | Bandera

Daniel biglang nagbago ang ugali, tamad nang ngumiti

Julie Bonifacio |April 28,2015
facebook
share this

Daniel biglang nagbago ang ugali, tamad nang ngumiti

Julie Bonifacio - April 28, 2015 - 02:00 AM

daniel padilla

NAKASALUBONG namin kamakailan si Daniel Padilla sa Star Cinema office after naming um-attend sa presscon ni Coco Martin para sa two-part episode niya sa Maalaala Mo Kaya.

Ang taray ng “eksena” dahil palabas si Daniel at papasok naman si Coco sa opisina ng isang top executive ng Star Cinema.Star na star ang dating ni Coco that time dahil napapalibutan siya ng mga tao kasama na ang personal bodyguard niya, marshal ng ABS-CBN at people from his management team, ang Dreamscape Entertainement, at ilang staff ng Star Cinema.

Habang si Daniel naman ay unguarded with matching shades and cap and unnoticed ng staff kaya mabilis na nakalabas ng opisina kasama ang handler niya from Star Magic.

Pero pagdating naman sa elevator, doon naman unti-unting naglapitan ang ilang employees sa ABS-CBN at nagpapiktyur kay Daniel. Isang lady editor naman ang nakapansin habang nagpapapiktyur siya kay Daniel at sa iba na mukhang napaka-stiff ng young actor sa mga taong nagkakagulo sa kanya.

Sabi ng lady editor, “Bakit ganoon si Daniel? Parang nagbago ata? At parang napakamahal ng ngiti niya, huh?” Ni hindi nga raw bumubuka ang bibig para makita ang kanyang sweet smile habang may nagpapapiktyur sa kanya at pati na sa ilang entertainment writers ay hindi siya ganoon ka-warm bumati hindi tulad ng kanyang inang si Karla Estrada.

Hearing that, inisip na lang namin na baka masama lang ang pakiramdam ni Daniel at pagod sa tuluy-tuloy na pagtatrabaho or may pinagdadaanang something that time.

Tsika naman ng isa pang lady editor na kasama namin, “E, bakit naman si Coco halos tulala na nga dahil wala pang tulog at masama pa ang pakiramdam pero super smile pa rin sa mga nagpapapiktyur.

Tsaka ano bang nangyari sa mukha ni Daniel? Bakit ang puti-puti na? Make-up ba ‘yun? Ang kapal naman? At parang sobrang tangos na ng ilong niya, ha!”

Sagot naman ng isa pang lady editor, “E, bakit si Coco humarap sa atin kanina ni halos walang kabahid-bahid na make-up. May TV interview pa ‘yun ha?”

“Hmmm, hindi kaya na-insecure lang si Daniel nu’ng makita niya si Coco na accorded with super special treatment sa loob ng office kanina kesa sa kanya na halos walang pumansin paglabas niya ng office?’

In fairness to Daniel, tsumika naman siya when we asked him some questions habang sakay kami ng elevator. Hindi naman niya kami inisnab.

Kinumpirma ni Daniel na tuloy ang movie niya with Vice Ganda this year, hindi lang siye sure kung ito ang isasali ng Star Cinema sa darating na 2015 MMFF.

At true rin daw na niregaluhan niya ng kotse ang daddy niya na si Rommel Padilla ng isang black Nissan Navarra pick-up noong birthday nito noong Jan. 4.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala ‘yun, laruan lang ‘yun,” sabi niya sa amin. Say naman niya sa hinihirit na motor ng kanyang ama, “Tama naman.” ‘Yun na.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending