Sa negosyong tindahan susuwertehin | Bandera

Sa negosyong tindahan susuwertehin

Joseph Greenfield |April 27,2015
facebook
share this

Sa negosyong tindahan susuwertehin

Joseph Greenfield - April 27, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Arnold ng Tubod, Carmen,  Davao del Norte

Dear Sir Greenfield,

Kagagaling ko lang po sa abroad at may konti akong naipon, kaya gusto ko sanang magsimula ng negosyo.
Sa kasalukuyan po ay may tindahan kami sa bahay. Ang gusto po ng misis ko ay kumuha kami ng puwesto sa palengke at doon kami magsimula ng grocery.
Itatanong ko lang po kung bagay po ba sa aming mag-asawa ang negosyong grocery sa palengke o sa poblacion at may pag-asa kayang yumaman kami sa ganitong negosyo. February 14, 1980 ang birthday ko at October 23, 1981 naman ang misis ko.

Umaasa,
Arnold ng Davao Del Norte
Solusyon/Analysis:

Palmistry:

Kapansin-pansin ang maganda at malinaw na Guhit ng Negosyo o Business Line (Illustration 1.) sa iyong palad. Ibig sabihin kung ngayon palang sa edad mong 35 pataas at 34 naman ang misis mo ay sisimulan nyo na ang malawakang pagnenegosyo, tiyak ang magaganap, pagtuntong nyo ng edad 45 pataas mayamang-mayaman na kayo.

Cartomancy:

King of Diamonds, Eight of Diamonds at Queen of Diamonds, ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung ang misis mo ay punggok o mababa ang height na medyo mataba at hindi katangusan ang ilong, tiyak ang magaganap, sa pagtutulungan ninyong mag-asawa sa negosyong tindahan, darating ang saktong panahong mararanasan nyo ang buhay na ubod ng yaman

Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending