Babala kina Erich at Daniel: Matakot ka sa karma! | Bandera

Babala kina Erich at Daniel: Matakot ka sa karma!

Jobert Sucaldito |April 27,2015
facebook
share this

Babala kina Erich at Daniel: Matakot ka sa karma!

Jobert Sucaldito - April 27, 2015 - 02:00 AM

daniel erich gonzales

HALOS karamihan sa mga nag-deny na artista in the past na magsyota pero nabuking din in the end na magkarelasyon pala ay nagsimula sa mga kadramahan ng group dates.

Matitigas ang statements nila before na “we’re just friends” pero saan ka, either malalaman na lang na buntis na yung girl or if not hiwalay na sila.

Ganyan naman ang mga iyan most of the time eh, hindi maamin-amin ang relasyon sa simula – yung iba nga, kahit sobrang buko na, nakukuha pang magsinungaling.

Ngayon naman ay sumabog ang tsismis kina Erich Gonzales and Daniel Matsunaga na nagsimula rin kuno sa group dates. Kung naalala niyo pa, nu’ng time na hindi pa break sina Erich and businessman-boyfriend, matigas na itinanggi nina Erich and Daniel na nagkakamabutihan sila kahit ilang beses na silang nahuling kumakain sa resto.

Erich once denied anything sweet sa kanila ni Daniel – ang sabi pa niya ay galing sila sa isang taping yata ng isang TV show and they decided to eat at a nearby resto dahil gutom na gutom sila.

Para lang daw silang magkapatid ni Daniel pero ano ang nangyari?  Bakit biglang hiniwalayan niya ang dyowa niya at bumagsak din pala kay Daniel.

At ang mga kaartehang anak na raw ang tawag sa kaniya ng nanay ni Daniel. Kalandian to the highest level, di ba? Well, sana magtagal ang ganitong relasyon.

Mahirap kasi ang may nasasaktang ibang tao, kaya may Karma na naghihintay tiyak dito. We are not hoping for this to happen pero kasama na sa package ito, eh.

Pag meron kang nasaktan in any way ay may balik ito sa iyo. Maybe not directly from that person you hurt pero sa ibang paraan. That’s a universal law.

Good luck, Erich and Daniel. I hope you’ve made the right decision.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending