Rico J. Puno nasagad sa trabaho kaya nagkaproblema sa puso | Bandera

Rico J. Puno nasagad sa trabaho kaya nagkaproblema sa puso

Cristy Fermin |April 27,2015
facebook
share this

Rico J. Puno nasagad sa trabaho kaya nagkaproblema sa puso

Cristy Fermin - April 27, 2015 - 02:00 AM

rico j puno

Anumang araw ngayon ay nakahanda nang sumailalim sa bypass operation ang matibay na performer na si Rico J. Puno. Tapos na siyang magpa-angiogram, pinalalakas lang siyang mabuti para sa bypass operation, tatlong arteries niya sa puso ang may problema.

Hindi na kinatatakutan ngayon ang heart operation, depende sa lakas ng katawan ng pasyente, ang ganu’ng proseso ngayon ay ordinaryo na lang.

Una, nagkakaedad na si Rico J, hindi na siya bumabata, ikalawa ay nasagad din siya nang husto sa pagtatrabaho, ilang dekada na ba siyang biyahe nang biyahe at kanta nang kanta?

Matindi ang pagod, pero mas matindi ang problemang ibinibigay ng stress, walang gamot na katapat ‘yun kundi masarap na pahinga.

Mabenta ang grupo nilang The OPM Legends, kasama niya sa grupo sina Marco Sison, Rey Valera at Hadji Alejandro, wala na halos silang pahinga sa kaso-show sa iba-ibang bansa para pasayahin ang mga Pinoy na naghahanap sa kanila.

Si Richard Merk na kaibigang matalik ni Rico J. Puno ang nagpapadala sa amin ng mensahe tungkol sa kalagayan ngayon ng singer. Sana’y malampasan ni Koriks ang operasyon nang maayos, si Rico J pa, tatawanan lang niya ang operasyong gagawin sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending