Dating Dabarkads ng Eat Bulaga may sakit sa utak, kailangan ng P700,000 para sa operasyon | Bandera

Dating Dabarkads ng Eat Bulaga may sakit sa utak, kailangan ng P700,000 para sa operasyon

Ervin Santiago |April 27,2015
facebook
share this

Dating Dabarkads ng Eat Bulaga may sakit sa utak, kailangan ng P700,000 para sa operasyon

Ervin Santiago - April 27, 2015 - 02:00 AM

kim idol

Marami ang nagulat sa balitang may brain malformation ang komedyanteng si Kim Idol at kailangang maoperahan agad bago mahuli ang lahat.

Sa interview ng Startalk kay Kim Idol, na-detect ng mga doktor matapos siyang magpa-CT Scan na meron siyang Brain AVM (arteriovenous malformation).Ito raw yung ay abnormal na pagdaloy ng dugo sa blood vessels sa utak.

“Masakit na masakit ang ulo ko tapos nabubundol ako sa mga wall. Parang nawala po yung right peripheral (vision) ko tapos hindi din ako makabasa.

So, last January 28, tinakbo ako ng mga kaibigan ko sa UERM (Memorial Medical Center), tapos doon na nakita sa CT Scan na nagdudugo yung utak ko.”

Nagulat naman ang komedyante nang malaman niya kung gaano kamahal ang gagawing operasyon sa kanya, “Pagkamahal-mahal. P700,000 po, ‘di ba, parang ang sakit…

Hindi ko po yun kaya pero siguro po ito nga pong darating na June, yung aking manager, nagbabalak na gumawa ng benefit show para magkapondo dito sa kakailanganing panggamot.”

Inamin din ni Kim Idol na dahil sa kanyang sakit ay nagbalik-loob siya sa Diyos, humingi raw siya ng patawad sa lahat ng mga kasalanan niya. At sana raw ay malagpasan niya ang pagsubok na ito sa tulong na rin ng kanyang pamilya at mga kaibigan.

Ayon pa sa gay comedian, positibo pa rin ang pananaw niya sa buhay sa kabila ng kanyang pinagdaraanan. “I’m taking things positively. Imbes na mawalan ako ng pag-asa, magmukmok, magreklamo, kasi talaga ang bilin sa akin ng doctor, huwag daw ako magtrabaho, magpahinga lang ako.

Pero sabi ko sa friends ko, ‘I’d rather die on stage, than die in bed. Kaya yun, mas gugustuhin kong mag-perform at least makakalimutan ko yung sakit ko.”

Minsan na ring naging bahagi ng Dabarkads sa Eat Bulaga si Kim Idol kung saan nakikala siya sa panggagaya sa tunog ng mga dinasaur.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending