Ai Ai umamin sa naging relasyon nila ni Binoe | Bandera

Ai Ai umamin sa naging relasyon nila ni Binoe

Ervin Santiago |April 27,2015
facebook
share this

Ai Ai umamin sa naging relasyon nila ni Binoe

Ervin Santiago - April 27, 2015 - 02:00 AM

robin padilla

PURO tukso ang inabot ni Ai Ai delas Alas nu’ng mag-guest siya sa Startalk noong Sabado. Isinalang kasi ang Comedy Queen sa isang “game” kung saan magre-react siya sa mga ipakikitang larawan ng mga hosts na may kinalaman sa buhay niya.

Ang kailangan niya lang isagot ay: Ai Love It, Ai Don’t Like, at Ai Don’t Care.Unang ipinakita ang litrato ng manager niyang si Boy Abunda, “O, Ai Love it. Mahal na mahal ko ‘yan kasi ama ko ‘yan. At never niya akong pinabayaan. At until ngayon, inaalagaan pa rin niya ako.”

Sumunod naman si Willie Revillame, “O, Ai Love It. Gusto ko ‘yan. Kasi yung pagsasamahan namin kagaya nu’ng dati, nung nawalan siya ng show, ‘Hi, hi,’ kami, na ganyan, ‘Nandito lang ako for you.’ “At siya din naman ‘pag may pinagdadaanan ako, siya yung unang nagbigay ng bag sa akin, yung LV (Louis Vuitton) nu’ng pumunta siya sa bahay. Nu’ng nahiwalay ako.”

Ang sumunod na litrato ay ang kay Robin Padilla, pero bago pa makapagsalita si A Ai himirit na ang host na si Lolit Solis ng, “Ai Love It pa rin, aminin mo ‘yan.

Nagkaroon kayo.” Sagot naman ni Ai Ai, “Ano ba ‘yan Tita Lolit, may asawa na yung tao.” Pero inulit ng isa pang host na si Joey de Leon ang tanong. Sabi niya, “Ulitin natin, Robin Padilla.”

Ang hirit naman ng komedyana, “Ai Don’t Know.” Biglang sabi ni Manay Lolit, “Uy, nagsisinungaling ka, denial queen.” Na sinagot naman ni Ai Ai habang humahalakhak ng, “O, para masaya ka Tita Lolit, Ai Love It.”

Chika uli ng Startalk host, “Pero, Ai Love It talaga ang naranasan mo sa kanya?” Sagot naman ni Ms. A, “Ano ba ‘yan, Tita Lolit, wala yun. Friends lang yun.” Hirit pa uli ni Manay Lolit, “Fling lang yun.” Ang natatawang sagot naman ni Ai Ai, “Oo, kung anuman yun.”

Inilabas naman ang picture ni Kris Aquino, at sumabat agad si Manay Lolit, “O, magtapat ka, pinaplastic ka nun. Pinaplastic ka nun.” Sey naman ni Joey, “Bayaan mong sumagot.”

Sabi ni Ai Ai, “Ano ba ‘yan. E, ‘di ano, none of the above. Kasi siyempre ‘pag sinabi niyong Ai Love It, sasabihin ni Tita Lolit, plastic ako. Pag sinabi ko namang Ai Don’t Care, sasabihin namang masama ang ugali ko.

Pag sinabi kong Ai Don’t Know, tatanga-tanga ako. E, ‘di none of the above.” Dugtong pa ng nagbabalik-Kapusong komedyana, “Hindi. Tapos na yun. Tapusin na natin yun kasi magkalayo na kami.

Nandito na ako sa dati kong bahay, nandun siya sa kabila. Taga-Mother Ignacia siya, taga-Timog na ako.” Samantala, sa May 4 na magsisimula ang unang teleserye ni Ai Ai sa GMA 7, ang Let The Love Begin kung saan makakasama niya ang isa sa mga promising loveteam ng Kapuso network, sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, pati na rin sina Gardo Versoza, Donita Rosem Gina Pareno, Gladys Reyes at marami pang iba.

Puring-puri naman ni Ai Ai sina Ruru at Gabby dahil bukod sa magagaling nang umarte ay napaka-professional pa. Napakasaya nga raw lagi nila sa taping kaya magaan lang ang trabaho.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagpasalamat din si Ai Ai sa direktor nilang si Gina Alajar dahil ngayon niya lang nalaman na marami pa pala siyang pwedeng gawin bilang aktres.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending