Morisette palabang diva, inagawan na ng trono si Angeline | Bandera

Morisette palabang diva, inagawan na ng trono si Angeline

Ambet Nabus |April 26,2015
facebook
share this

Morisette palabang diva, inagawan na ng trono si Angeline

Ambet Nabus - April 26, 2015 - 02:00 AM

morissette

Pagbibida na rin lang ang usapan, aba’y hahangaan mo ang bagong diva ng mga teleserye songs na si Morisette dahil dumating na ang kanyang time.

Ayaw man naming sabihing nawawala na sa eksena si Angeline Quinto dahil tila si Morisette na ngayon ang boses ng mga soap opera ng ABS, pero sa ganda ng timbre at pagiging suwabe nitong kumanta, malamang ngang ito na ang pumalit sa trono ni Angeline.

“Nataon lang po. Siguro I’m just blessed and nakita ng mga executives ang kaya ko namang gawin. Basta po ako, I’m simply enjoying and having fun,” sey ni Morisette sa album launch ng kanyang self-titled album under Star Music.

Wish lang namin, huwag matulad sa ibang female singers na sobrang naging busy sa pagkanta itong si Morisette na nangarag at napagod ang mga boses kaya hayun, madali tuloy napagsawaan ng mga tao!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending