Ayaw kong magpakaplastik, naguguluhan ako kaya nagpunta ako sa Batanes! – Angel | Bandera

Ayaw kong magpakaplastik, naguguluhan ako kaya nagpunta ako sa Batanes! – Angel

Ervin Santiago |April 26,2015
facebook
share this

Ayaw kong magpakaplastik, naguguluhan ako kaya nagpunta ako sa Batanes! – Angel

Ervin Santiago - April 26, 2015 - 02:00 AM

angel locsin

ANG ganda-ganda at ang sexy-sexy ni Angel Locsin nang humarap sa ilang members ng entertainment media nu’ng Biyernes para sa two-part episode na pagbibidahan nila ni Coco Martin sa Maalaala Mo Kaya.

Napanood na kagabi ang unang bahagi ng nasabing MMK episode na tumatalakay sa buhay ng isang nasawing Special Action Force commando sa trahedyang nangyari sa Mamasapano, Maguindanao.

Kamakailan ay mag-isang nagtungo sa Batanes si Angel para doon mag-celebrate ng kanyang 30th birthday, hindi raw talaga niya niyaya ang boyfriend na si Luis dahil gusto raw niyang maranasan ang magbiyaheng mag-isa, kasabay ng pag-amin na hindi niya alam kung ano ang dapat niyang maramdaman ngayong 30 na siya.

Actually, naglista siya ng ilang bagay na gusto pa niyang gawin bago siya mag-40, “Hindi ako magpapakaplastik, kaya rin po ako umalis kasi naguguluhan po ako kung ano ang mararamdaman ko sa pagka-30 ko.

“Bilang babae, siguro po maiintidihan niyo na kung ano ang pakiramdam na ‘yan. Hindi ko alam kung masaya po ba ako o ise-celebrate ko ba siya, magbi-birthday blues ba ako, ‘di ba?

“Mas pinili kong mag-celebrate kung ano ang gusto ko so pumunta po ako sa Batanes. May mga goals kasi ako na feeling ko hindi ko pa nagagawa. So sisimulan ko po ngayon, simula 30 hanggang 40.

“Thirty things to do before I turn 40, 30 acts of kindness, may mga ganung drama ako ngayon. At least positive ako sa pagka-30 ko,” paliwanag ng dalaga.

Inamin naman ni Angel na mas magiging mapili na siya ngayon sa mga proyektong gagawin, “Right now kasi nasa ano ka na, e. Siguro kasi medyo kuntento ka na sa ginagawa mo. Parang dati, mas habol mo ‘yong quantity.

“Ngayon, parang mas quality talaga. Excited ako sa mga proyekto na naniniwala ako sa ipinaglalaban, tulad nga nitong episode namin ni Coco sa MMK about the SAF Fallen 44,” anang aktres na gaganap nga bilang abogadang fiancé ng nasawing SAF 44 na si Garry  Erana.

Dagdag pa niya, “Kapag may proyekto ako sa MMK, lagi akong masaya kasi minsan mo lang mailalabas ‘yong ganu’ng angle.
“Bukod sa story, ano kasi, ang tagal kong nabakante after Legal Wife so, kung aarte ako, gusto ko ‘yong story na naniniwala akong may cause, ‘yong may ipaglalaban tayo rito,” sey pa ng GF ni Luis Manzano.

Nagpasalamat naman si Angel sa mga ibinigay na papuri sa kanya ni Coco bilang tao at bilang artista. Inamin niya na matagal na niyang gustong makatrabaho ang Teleserye King kaya nga raw kahit hindi pa niya alam ang kuwento ng MMK episode na gagawin niya ay umoo agad siya nang malamang si Coco ang makakatambal niya.

“Bukod sa napakagandang story, noong sinabi nila na si Coco, sabi ko, okay na ako. Nagpapasalamat ako na, at least, kahit sa MMK, nagkaroon ako ng chance na makatrabaho ko siya,” kuwento ni Angel.

Pinuri rin nito ang kabaitan ni Coco, “Kasi ito ‘yong tao na ang dami nang naabot sa buhay niya, pero very humble at very down-to-earth. At nakakatuwa kasi hindi niya nakakalimutan kung paano siya nagsimula. Hindi siya nagbago, ganun pa rin siya, walang kaarte-arte.”

Nang matanong naman kung may final decision na ba si Luis tungkol sa pagtakbo nitong mayor o congressman sa 2016 elections, sey ni Angel, wala pang nasasabi sa kanya ang boyfriend.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero kung anuman ang maging desisyon ni Luis pagdating sa politika, handa siyang suportahan ang aktor. Samantala, mapapanood sa susunod na Sabado (May 2) ang part two ng Fallen 44 episode ng MMK hosted by Charo Santos.

Kasama pa rin dito sina Ejay Falcon, Malou de Guzman, Bembol Roco, Maricar Reyes, Ella Cruz, Rita Avila, Alex Medina, Marx Topacio, Efren Reyes, Trina Legaspi, Denisse Aguilar, Jillian Aguila, Aenah Solano at Johan Santos sa direksiyon ni Garry Javier Fernando, at sa panulat nina Arah Jell Badayos at Benson Logronio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending