T-shirt, jacket, laruan na may tatak ‘Pacman-Mayweather’ pinapakyaw na | Bandera

T-shirt, jacket, laruan na may tatak ‘Pacman-Mayweather’ pinapakyaw na

Cristy Fermin |April 26,2015
facebook
share this

T-shirt, jacket, laruan na may tatak ‘Pacman-Mayweather’ pinapakyaw na

Cristy Fermin - April 26, 2015 - 02:00 AM

floyd mayweather

Dinadagsa ngayon ng ating mga kababayan ang opisina ng Team Pacquiao at MP Tower Gym. Palagi namang ganito ang ating lahi, kung kailan malapit na ay tsaka tayo nagkukumahog, gustong magkaroon ng mga kababayan natin ng mga Pacman-Mayweather collectibles.

Puwedeng magkaroon ng mga hindi orihinal na items, napakaraming ibinebenta ngayon sa Baclaran at sa Divisoria, pero ang mga orihinal na materyales ay mula lamang sa Team Pacquiao.

Palaging ubos ang mga Manny Pacquiao-Floyd Mayweather, Jr. merchandise sa Robinsons Ermita at Robinsons Galleria, kinakapos ang Team Pacquiao dahil sa sobrang dami ng order sa kanila, kung kailan naman kasi malapit na ang laban ay tsaka nagsabay-sabay na gustong magkaroon ng mga collectibles ng ating mga kababayan.

Ayon kay Tito Reli de Leon, isa sa mga pinagkakatiwalaan ng Pambansang Kamao, “Napakabilis maubos ng mga Pacman-Mayweather merchandise. Grabe, mabenta ang mga  t-shirt, jacket, boxing gloves at toys namin, kulang na kulang kami sa supply.”

Ang kinikita ng Team Pacquiao sa mga ibinebenta nilang collectibles ang pondo namang ginagamit ng MP Tower Gym sa pagtulong ng Pambansang Kamao sa mga bagitong boksingero.

“Libreng training, board and lodging pa nga kung kailangan, lahat na ‘yun, hindi ipinagdadamot ni Manny sa mga nangangarap na boxers,” pahayag pa ni Tito Reli de Leon na ilang dekada nang kaibigan-tapagayo ng kampeong boksingero.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending