Babalik pa ba ang ka live-in (2) | Bandera

Babalik pa ba ang ka live-in (2)

Joseph Greenfield |April 26,2015
facebook
share this

Babalik pa ba ang ka live-in (2)

Joseph Greenfield - April 26, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Roselyn ng Bulawan, Payao, Zamboanga

Problema:
1. Ang buong akala ko ay binata ang lalaking naka-live in ko, pero huli na ng malaman ko na may pamilya pala siya sa probinsiya nila. Kung hindi pa nag-text sa akin ang asawa nya na hindi ko rin alam kung paano nakuha ang number ko na wag ko na daw silang guluhin, hindi ko mabibisto ang lihim ng lalaking ka live-in ko. Ang umuwi po ng probinisya nila sa Bicol ang ka-live in ko, ng hindi nya alam na buntis ako. Sa darating na August po ang due date ko.

2. Kaya naisipan kong sumangguni sa inyo upang itanong kung babalikan pa ba ako ng ka-live in ko, at pananagutan kaya niya ang baby na dinadala ko o bibigyan man lang kaya kami niya ng sustento? Ano ang mangyayari nito sa buhay ko kapag naging dalagang ina na ko at hindi na nagbalik ang ka-live in ko, makapag-aasawa pa kaya ako ng isang matino at responsableng lalaki? November 13, 1990 ang birthday ko.

Umaasa,
Roselyn ng  Zamboanga

Solusyon/Analysis:

Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) ay nagsasabing ang lahat ng mga pagsubok na pinagdadaanan mo sa kasalukuyan ay malalagpasan mo din, hanggang sa dumating ang ikalawang pag ibig na hatid ng isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Cancer.

Numerology:
Ang birth date mong 13 ay nagsasabing dahil likas kang mabait at mabuting tao, darating ang takdang panahong gagantimpalaan ka rin ng tadhana ng mabuting kapalaran na nakatakdang mangyayari sa sandaling dumating na ang buwan ng Oktubre sa taon ding ito ng 2015 sa edad mpong 25 pataas.

Graphology:
Upang matiyak na sa ikalawang pag-ibig at pakikipag-relasyon ay hindi ka na luluha pang muli, ayusin at pagandahin mo ang nababoy mong lagda sa unahangbahagi. Magagawa mo yan sa pamamagitan ng pagsulat ng simpleng “S” na lang. Sa ganyang maayos at hindi na nababoy o naburarang lagda, sa ikalawang pakikipag-relasyon habang buhay ka ng liligaya.

Huling payo at paalala:
Roselyn ayon sa iyong kapalaran, kung buntis ka ngayon, okey lang yan,dahil ang mga pagsubok sa kasalukuyan ay kusa ding lilipas at mapaparam. Basta wag ka lang mawawalan ng pag-asa, nakatakda na ang magaganap sa taon ding ito ng 2015 sa buwan ng Oktubre isang lalaking nagtataglay ng initial na J.I. ang iyong makikilala, magiging boyfriend mo siya at kahit na dalagang ina ka na, walang pagsalang mamahalin ka nya, papakasalan hanggang sa makabuo kayo ng isang maunlad at maligayang pamilya habang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending