PSL knockout quarterfinals aarangkada sa Lucena | Bandera

PSL knockout quarterfinals aarangkada sa Lucena

Mike Lee |April 25,2015
facebook
share this

PSL knockout quarterfinals aarangkada sa Lucena

Mike Lee - April 25, 2015 - 12:00 PM

Mga Laro Ngayon
(Quezon Convention Center, Lucena City)
2:30 p.m. Philips Gold vs Cignal
6:15 p.m. Foton vs Mane ‘N Tail

MALALAMAN matapos ang araw na ito ang dalawang koponan na kukumpleto sa mga maglalaro sa semifinals sa 2015 Philippine SuperLiga (PSL) All-Filipino Conference.

Sa Quezon Convention Center sa Lucena City isasagawa ang aksyon sa knockout quarterfinals ngayon upang madetermina ang mga makakasama ng Petron at Shopinas na awtomatikong umabante sa semifinals nang pangunahan ang unang dalawang puwesto sa classification round sa ligang inorganisa ng SportsCore katuwang ang Asics, Mikasa, Senoh, Mueller Sports Medicine, Via Mare, LGR at Healthway Medical.

Ang Philips Gold at Cignal ang magtutuos sa ganap na alas-2:30 ng hapon bago sundan ng Foton at Mane ‘N Tail dakong alas-4:30 ng hapon.

Tiyak na magiging balikatan ang dalawang laro dahil ang matatalo ay mamamahinga na kung pagsungkit sa titulo ang pag-uusapan.

Papasok ang Cignal mula sa straight sets panalo sa Mane ‘N Tail para sa kanilang unang panalo sa huling pitong laro.

Ang momentum na ito ay kanilang gagamitin para maipantapat sa determinadong Philips Gold na nais na magkaroon ng magandang pagtatapos sa unang paglahok sa PSL.

Samantala, ang Foton ay magtatangkang pumasok sa semifinals matapos maunsiyami ang pakay na awtomatikong upuan nang natalo sa Shopinas sa limang sets noong Huwebes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending