Maja posibleng ma-in love kay Paulo | Bandera

Maja posibleng ma-in love kay Paulo

Ambet Nabus |April 24,2015
facebook
share this

Maja posibleng ma-in love kay Paulo

Ambet Nabus - April 24, 2015 - 03:00 AM

PAULO AVELINO AT MAJA SALVADOR

PAULO AVELINO AT MAJA SALVADOR

GRABENG intense ang mga eksenang napapanood namin sa seryeng Bridges Of Love. Kitang-kita ang acting showdown ng mga bida rito.

Ibang klase talaga ang husay ni Jericho Rosales, pero hindi naman nagpapakabog si Paulo Avelino na mas lalo namang gumuwapo ngayon.

Nati-thrill kami kung paanong magre-react si Echo (as Gabriel Nakpil) kapag nalaman niyang ang nawawala niyang kapatid na si Paulo (now as Carlos Antonio) ay ang BF ngayon ni Maja Salvador (as Mia Sandoval). Lalo na’t siya pa ang kinuhang arkitekto ng isang bonggang project ng kumpanya ng mga Antonio (headed by Edu Manzano with Carmina Villaroel playing his wife).

Ang huhusay nilang lahat sa totoo lang. At tama lang yung oras ng soap dahil pang-mature audience ang kuwento nito.

At sa mga nagtatanong kung posible bang magkaroon ng relasyon sa tunay na buhay sina Maja at Paulo ngayong kapwa naman sila single, aba’y malalaman natin iyan sa mga susunod na pagkakataon. Ha-hahaha! Ayaw nina Gerald Anderson at KC Concepcion ng ganyan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending