Willie kumuha ng 1,000 dancer para sa unang pasabog ng Wowowin | Bandera

Willie kumuha ng 1,000 dancer para sa unang pasabog ng Wowowin

Cristy Fermin |April 23,2015
facebook
share this

Willie kumuha ng 1,000 dancer para sa unang pasabog ng Wowowin

Cristy Fermin - April 23, 2015 - 02:00 AM

willie revillame

Handang-handa na ang buong tropa ni Willie Revillame para sa unang sultada ng kanyang programang Wowowin sa GMA 7 sa darating na May 10.

Wala na silang sinasayang na panahon, habol na habol sa pagsisimula ng variety show ni Willie ang malaking studio na ginagawa ngayon sa Kalayaan Avenue, apat na raan katao ang kayang kargahin ng studio.

Abalang-abala na rin ang kanyang mga dancers sa paghahanda sa magiging opening number ng Wowowin, ngayon lang daw ito mangyayari sa Philippine television, ang pagsasama-sama nang may isang libong dancers sa isang production number lang.

At siyempre’y handang-handa na rin si Willie sa muling pagpapasaya sa ating mga kababayan, nag-eehersisyo na siya nang regular ngayon para makapagbawas siya ng timbang, aminado ang aktor-TV host na kapag napapahinga ang artista ay medyo lumulusog-lumalaki ang katawan.

“Ito na ‘yun! Malapit na tayong magsimula. Kahit nga saan ako magpunta, tanungan na nang tanungan ang mga kababayan natin kung kailan mag-uumpisa ang Wowowin.

“Ang sarap sa pakiramdam, parang matagal na matagal nilang na-miss ang show. Kaya nga sabi ko sa staff ko, e, kailangang double time kami ngayon sa pagkilos.

“Kailangan ma-appreciate ng mga kababayan natin ang bagong show. Para sa kanila naman talaga ito, hindi naman para sa akin lang,” kuwento ni Willie Revillame.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending