Janice nagsalita na tungkol kay Gerald | Bandera

Janice nagsalita na tungkol kay Gerald

Ambet Nabus |April 23,2015
facebook
share this

Janice nagsalita na tungkol kay Gerald

Ambet Nabus - April 23, 2015 - 02:00 AM

janice de belen

Nag-birthday pala si Kim Chiu last weekend.

Maraming fans niya ang nakatutok sa amin noong Sunday sa DZMM show naming “Chismax” with friend Gretchen Fullido. My partner greeted her on air at kinantiyawan pa itong mag-blow out naman.

Nagkataon namang panay ang banggit ko kay Maja Salvador at sa second album niya under Ivory Music lalo na nga yung carrier single nitong “Bakit Ganito ang Pag-ibig” na siyempre pa ay kinunek namin sa break-up nila ni Gerald Anderson.

Aba’y kuyugin ba naman ako ng fans ni Kim via text messages at sabay-sabay nilang itinanong kung galit daw ba ako sa idol nila? Nakakaloka! Dahil lang sa hindi ko nasegundahan agad ang birthday greetings ni partner Greta, at agad kong naitsika yung tungkol kay Maja, violent agad ang reaksyon? Ha-hahahaha!

Anyway, matapos kong maipaliwanag sa ere ang mga pangyayari at klaruhing labs naman namin si Kim, nanahimik na ang mga supporters ng aktres habang nagpasalamat naman ang fans ni Maja sa pag-promote namin ng Bridges of Love, pati na ng Nathaniel ni Gerald.

Kayo na po ang bahalang mag-judge kung kaninong fans ako dapat magpasalamat ng bonggang-bongga! Samantala, nabasa namin ang tila naging sagot ni Janice de Belen sa pagli-link sa kanya kay Gerald Anderson.

Siya kasi ang itinuturong third party kung bakit nagkahiwalay ang aktot at si Maja Salvador.Sa kanyang Instagram account, nag-post si Janice na isang quote na ipinalalagay ng netizens na siyang tugon nito sa isyu sa kanila ni Gerald.

Sey ng aktres, “Rumors are carried by haters, spread by fools, and accepted by idiots.” Nauna rito, isang makahulugang mensahe rin ang ipinost ni Janice sa IG saying, “Never judge someone by the opinion of another.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending