‘Grabe si Coney Reyes, ang sama-sama niya!’ | Bandera

‘Grabe si Coney Reyes, ang sama-sama niya!’

Ervin Santiago |April 23,2015
facebook
share this

‘Grabe si Coney Reyes, ang sama-sama niya!’

Ervin Santiago - April 23, 2015 - 02:00 AM

coney reyes

TUWANG-TUWA sina Gerald Anderson, Shaina Magdayao at ang bagong child star na si Marco Masa dahil sa mataas na rating na nakuha ng Nathaniel sa pagsisimula nito nu’ng Lunes ng gabi sa Primetime Bida.

In fairness, talagang pinag-uusapan na ng madlang pipol ang Nathaniel, ha! Sa nakaraang dalawang episode nito ay puro papuri na ang tinanggap ng serye, lalo na ang napakagaling na akting nina Gerald, Shaina at ng gumaganap na kontrabida sa kuwento na si Ms. Coney Reyes.

Sabi ng isang nagkomento, ngayon lang niya napatunayan na talagang may ibubuga sa akting si Gerald, “Magaling siya sa Budoy pero mas lumabas ang pagiging aktor niya sa Nathaniel.

Idagdag mo pa ang nakakalokang eksena ni Shaina. Habang umiiyak talagang super clap ako! Ha-hahaha!” Ayon naman sa isang viewer, ang bilis daw ng takbo ng kuwento kaya mas nakaka-excite subaybayan.

Imagine, second day pa lang, ang dami-dami nang nangyari, kaya ang chika ng isang netizen, “Yan ang gusto ng manonood, mabilis, parang laging pa-ending na. Hindi na uso ngayon ang mga paliguy-ligoy sa serye!”

Pero ang talagang pinag-uusapan ngayon ng madlang pipol ay ang karakter ni Coney Reyes na gumaganap na nanay ni Gerald sa kuwento – walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang kayamanan at kapangyarihan.

In fairness, patok na patok na ngayon ang pinauuso niyang dialogue na “Yayaman ako!”  Sabi ng isang nag-comment, “Nakakatakot si Coney sa Nathaniel! Para siyang satanista! May nanay ba talagang ganu’n? Kaya niyang tiisin ang anak niya dahil lang sa pera!? Buti tinanggap niya ang role na ‘yun.

Hindi siya natatakot na baka magkaroon ito ng epekto sa pagiging Born Again niya!” Samantala, abangan ang mga mangyayaring pagbabago sa buhay ng dating mag-asawang sina Gerald at Shaina sa pagpapatuloy ngayong gabi ng Nathaniel after TV Patrol under Dreamscape Entertainment.

Kasama rin dito sina Isabelle Daza, Pokwang, Benjie Paras, Ogie Diaz and Jason Gainza, at Kapamilya teens stars na sina Sharlene San Pedro and Jairus Aquino, with former PBB housemates, ang kambal na sina Fourth at Fifth Pagotan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending