Doris Bigornia inireklamo ng mag-ina, umeksena sa concert | Bandera

Doris Bigornia inireklamo ng mag-ina, umeksena sa concert

Alex Brosas |April 21,2015
facebook
share this

Doris Bigornia inireklamo ng mag-ina, umeksena sa concert

Alex Brosas - April 21, 2015 - 12:00 AM

doris bigonia

Hindi kaya ipatawag si Doris Bigornia ng management ng News Department ng Dos for allegedly behaving rudely while watching one concert recently?

Mahabang aria ang inilabas ng isang popular website na complaint ng isang concertgoer na kasama ang anak na nanood. Sobrang nalungkot kami nang sinabi ng complainant-letter sender na hindi nagpatinag si Doris pati na ang kanyang anak nang hawiin sila ng bouncers ng concert matapos nilang puntahan ang artists para makita nang malapitan.

At one point ay sinabi pa raw ng anak ni Doris na unahin munang paalisin ang mga tao at saka pa lang sila aalis sa kanilang kinalalagyan.

Nakiusap na ang complainant at sinabing nahihilo na ang anak niya kaya’t kung maaari ay bumalik na sa seat nila si Doris pero ang nakakalokang say daw ng news personality ay, “Wala akong paki kahit mamatay siya dyan.”

Naku, malaking eskandalo ito, Doris. Ready ka na bang magpaliwanag? We welcome your side on this issue. Baka naman kasi may gumagawa lang ng kuwento against her, di ba?

Medyo matagal ding nawala sa news itong si Doris and more than a year ago lang yata siya nakabalik. Now, we felt that she’s in hot water again.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending