Sa wakas, Diana Zuburi may college diploma na | Bandera

Sa wakas, Diana Zuburi may college diploma na

Ervin Santiago |April 21,2015
facebook
share this

Sa wakas, Diana Zuburi may college diploma na

Ervin Santiago - April 21, 2015 - 02:00 AM

diana zubiri

Sa wakas, natupad na rin ng dating sexy actress na si Diana Zubiri ang isa sa matagal na niyang pangarap – ang makakuha ng college diploma.

Halos limang taong nag-aral sa kolehiyo si Diana at nitong nakaraang Sabado nga ay naka-graduate na siya sa Miriam College kung saan kumuha siya ng kursong Applied Arts Major in Theater.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Diana ng larawan suot ang kanyang toga at hawak ang kanyang diploma. Nilagyan niya ito ng caption na: “Thank you for amazing 5 years Miriam College (including tutorials and summer school).”

Sa isang interview sinabi ni Diana na naging supportive naman ang kanilang school sa kanyang pag-aaral at sa kanyang showbiz career, pero nilinaw niya na walang favoritism na umiiral sa Miriam College at hindi sa lahat ng pagkakataon ay pinagbibigyan siya ng school officials sa mga request niya.

Ayon pa kay Diana, kapag daw nakikita niya ang larawan niya sa kanilang yearbook ay hindi niya maiwasang mapaiyak dahil sa sobrang kaligayahan.

At dahil sa natapos niyang kurso, plano ni Diana na makapagdirek din ng pelikula.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending