P33M jackpot sa Mega Lotto 6/45 nakuha sa Cavite | Bandera

P33M jackpot sa Mega Lotto 6/45 nakuha sa Cavite

Leifbilly Begas |April 19,2015
facebook
share this

P33M jackpot sa Mega Lotto 6/45 nakuha sa Cavite

Leifbilly Begas - April 19, 2015 - 03:54 PM

mega 6-45

Sa Cavite tumaya ang nanalo ng P33.4 milyong jackpot prize sa huling bola ng Mega Lotto 6/45. Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office, operator ng lotto, ang nanalo ay tumaya sa lotto outlet sa Bacoor. Siya ang nag-iisang nakakuha ng mga numerong 04-39-13-16-05-30 sa bola noong Biyernes ng gabi. Nagkakahalaga ng P20.7 milyon ang itinaya sa naturang bola.Nanalo naman ng tig-P45,060 ang 23 mananaya na nakakuha ng limang numero. Tig-P570 naman ang 1,433 mananaya na naka-apat na numero at balik-taya (P20) ang 25,260 mananaya na nakatatlong numero. Binobola ang Mega Lotto tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Ang minimum jackpot prize ay P9 milyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending