Ai Ai, Gerald may engagement ring na | Bandera

Ai Ai, Gerald may engagement ring na

Julie Bonifacio |April 19,2015
facebook
share this

Ai Ai, Gerald may engagement ring na

Julie Bonifacio - April 19, 2015 - 12:00 AM

gerald aiai delas alas

NABULABOG ang mga empleyado ng GMA 7 sa pagbabalik Kapuso ng nag-iisang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.
Bago pa man maganap ang contract signing at presscon niya sa 17th floor ng GMA building ay nagpalakpakan na ang mga empleyadong nakasabay sa elevator ng Kapuso top honcho na si Jimmy Duavit nang papunta siya sa venue ng presscon ni Ai Ai.

Kinahapunan ay ipinarada si Comedy Queen Ai Ai paikot ng GMA 7 sakay ng isang karwahe kasama ang kanyang “pitong duwende” habang tumutugtog ang isang banda. Feeling ni Ai Ai siya si Snow White nang araw na ‘yun.

Pagpasok ng karwahe ni Ai Ai sa Siyete ay pansamantalang natigil sa pagtatrabaho ang mga empleyado sa GMA upang silipin si Ai Ai sa kanilang mga bintana.

Habang ‘yung iba naman ay nagbabaan pa para mas malapit na makita ang komedyana.Reynang-reyna talaga ang ibinigay na treatment kay Ai Ai sa pagdating niya sa Kapuso network. Sabi naman ng ilang kausap namin, si Ai Ai lang daw ang binigyan ng ganoong uri nang pagsalubong among the new (o nagbabalik) stars na dumating si GMA 7.

Obvious na pinaghandaan din ni Ai Ai ang grand entrance niya sa GMA. Dalawang gowns ang isinuot niya that day. Si Maxi Cinco ang tumahi sa suot niya noong umaga at creation naman ni Bing Cristobal ang suot niya sa naganap na parada.

After the parade, niyaya kami ni Ai Ai na kumain sa isang resto malapit sa GMA7. As usual, mas marami pang tsikahan ang naganap pero karamihan naman ay hindi pwedeng isulat.

Although, meron pa rin naman siyang mga sinabi na pwede naming isulat na hindi niya nakwento sa presscon. Gaya na lang nang pagbigay niya ng bongggang bulaklak sa kanyang former boss at presidente ng ABS-CBN na si Charo Santos.

Nagulat at natuwa raw si Charo noong makita ang mga bulaklak kasi akala niya ay wini-wish siya ni Ai Ai na magka-baby muli. Pero lungkot daw pala ang dala ng mga bulaklak na ‘yon dahil pag-alis na pala niya ang kahulugan nito.

Pagkatapos ng tsikahan namin ni Ai Ai pati na ang iba niyang mga kaibigan including her priest friend na si Father Allan at komedyanteng si Michael Angelo, dumiretso naman ang reyna sa meeting niya with her mentor and King of Talk na si Boy Abunda.

Doon yata pinlantsa ang detalye sa dalawang shows na gagawin niya for APT Entertainment ni Tony Tuviera and a possible movie deal with Vic Sotto na isasali nila sa Metro Manila Film Festival sa December.

Ang dalawang shows niya na ipo-produce ng APT for GMA 7 ay ‘yung talk show with Ryzza Mae Dizon bago mag-Eat Bulaga at ‘yung musical show nila nina Regine Velasquez at Marian Rivera every Sunday.

Sa panayam naman namin kay Ai Ai umiwas siyang sagutin ang mga tanong tungkol sa kanyang boyfriend na si Gerald Sibayan. Mabuti na rin ‘yun tutal hindi naman artista si Gerald at para mabigyan ng privacy ang kanyang partner.

Bagaman sinagot naman niya ang tanong sa posibilidad na magpakasal siya ulit pero sabi niya ayaw daw niyang magsalita ng tapos, “Huwag muna ngayon, ‘noh? Baka mamaya sabihin kong hindi tapos bigla akong nagpakasal, e, ‘di iba-bash na naman ako.”

Itinanggi rin niya na may wedding ring na raw sila ni Gerald, “Wala ‘yun, love bond lang ‘yun.” Meron din siya? “Nawala lang ‘yung sa akin, e. Nilagay ko sa jacket ko, nawalis.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Parang kailan lang noong lisanin ni Ai Ai ang GMA 7 sa gitna ng kasikatan ng co-star niya sa sitcom na 1-4-3 na si Rosanna Roces.Nagkaroon ng matinding hidwaan ang dating magkaibigan at nagdesisyon si Ai Ai na lumayo na lang kay Osang.

This time, duda ng marami na ang gap din nila ng dati niyang friendship na si Kris Aquino ang isa sa mga matitinding dahilan nang paglisan niya sa ABS-CBN. In fact, she now considers Kris as her former friend and former roommate.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending