Pagbabati noon nina Ai Ai at Kris 'walang saysay' | Bandera

Pagbabati noon nina Ai Ai at Kris ‘walang saysay’

Cristy Fermin |April 19,2015
facebook
share this

Pagbabati noon nina Ai Ai at Kris ‘walang saysay’

Cristy Fermin - April 19, 2015 - 12:00 AM

aiai delas alas

Maayos at may kapayapaan na ng kalooban ang bawat paggising ngayon ni Ai Ai delas Alas.

May kasiguruhan na kasi ang kanyang kinabukasan, meron nang direksiyon ang kanyang career, at ang pinakamahalaga ay masaya na siyang magtatrabaho ngayon sa bakuran ng GMA 7.

Isa sa pinakamahirap gawin sa buhay na ito ay ang pagtatrabaho na malayo naman sa puso mo ang iyong mga ginagawa. Para ka lang robot na de-susi, nagtatrabaho lang nang pisikal, pero wala naman sa puso mo ang iyong trabaho.

Napakasarap magbanat ng buto kapag maligaya ka sa ginagawa mo, iba ang karagdagang inspirasyon na ibinibigay ng mapusong pagtatrabaho, sa paglipat ni Ai Ai sa GMA 7 ay hawak niya na ‘yun ngayon.

Marami nang nakaabang na trabaho sa kanya hindi tulad nu’n na para siyang namamana sa dilim kung meron pa bang proyektong ibibigay sa kanya, malaking karagdagan ang Comedy Concert Queen sa kahit anong network siya magserbisyo.

Former friend na lang ang paglalarawan niya ngayon kay Kris Aquino. ‘Yun ang pakiramdam niya, ‘yun ang panlasa niya, may karapatan ang Comedy Concert Queen na sabihin ang ganu’n dahil siya naman ang sangkot sa kuwento.

Nagkabati man sila ay parang nawalan din naman ‘yun ng saysay, parang hindi naman tumalab nang sinsero ang kanilang pagbabati, hindi na nabalik ang dati nilang pagtitinginan dahil sa gasgas nang dahilan na betrayal of trust.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending