Korina kay Mar: Holding hands na lang kami kapag magkatabi sa kama! | Bandera

Korina kay Mar: Holding hands na lang kami kapag magkatabi sa kama!

Reggee Bonoan |April 19,2015
facebook
share this

Korina kay Mar: Holding hands na lang kami kapag magkatabi sa kama!

Reggee Bonoan - April 19, 2015 - 12:00 AM

mar roxas

Kinlaro ni Rated K host na Korina Sanchez-Roxas ang tsikang lilipat na siya sa TV5 dahil nga narinig daw siyang nagkomento ng, “Buti pa sa TV5, lumalabas ako.”

Napanood ang soundbites na ito ni Korina sa Showbiz Konek na Konek ng TV5 kamakailan. Pero tila walang alam ang kilalang journalist tungkol dito, “Sinabi ko ba yun? Really?

“Hindi ko na matandaan kung bakit ko sinabi yun. Hindi (ko alam) siguro hindi naman (kasi) ako na-interview sa The Buzz, ‘yung ganu’n, wala lang,” katwiran ni ate Koring.

At dahil matunog na ang tsikang kakandidato si DILG Secretary Mar Roxas sa 2016 presidential elections ay tinanong ang maybahay niya tungkol dito.

“We don’t discuss politics in bed. It would be boring kasi reporter na ako at alangan namang bago kami matulog tutukan ko siya ng mikropono at tanungin tungkol sa mga issues, like, ‘Honey, ano ba talaga? Anong nangyari sa Mamasapano?’

Alangan namang ganu’n di ba, nakaka-stress! Kaya kahit na kating-kati na ako, honestly, hindi rin ako interesado. Trabaho lang ito, pagdating ko sa bahay, mga aso ko na ang inaasikaso ko,” natawang kuwento ni Korina.

Sabi pa nito, “If he decides to run, he has to resign, pero wala pa (sinasabi), I think the official filing of candidacy is on October. But once he declares, he has to resign, that’s his ethics.

The others (pulitiko) naman have already declared but they’re still there, di ba? “So wala pa (siya alam), but ang hula nila is magsasalita si P-Noy sa SONA, so I don’t know kung anong laman (speech) no’n or could be earlier, I have no idea (talaga),” ani ate Koring.

Nabanggit naman ni Ms. Korina na holding hands na lang daw ang ginagawa nila kapag magkatabi sila sa kama kaya ang balik-tanong kay ate Koring ay hindi na ba nila sinusubukang gumawa ng baby, “We are both parating pagod, so, holding hands na lang muna,” natawang sagot ng TV host. “But we are taking it seriously (baby) this year and we have another presscon for that,” say pa ni Ms. Korina.

At alam mo na ‘yun bossing Ervin! Kaya hindi truliling hiwalay na sila ni Mar ng kama kapag natutulog. Kuwento pa sa amin ng Rated K host, “When we get married, proud ako kasi ayaw kong tumanggap ng pera sa kanya, nagagalit ako kapag binibigyan niya ako ng something, feeling ko binibili niya ang kaluluwa ko.

“Sabi ng mga kaibigan kong abogado, ‘Ang tanga-tanga mo talaga!’ So ako naman, bakit, I can earn my own money. I’m very independent, all this time, for the past three years and a half, halos hiwalay ang buhay namin talaga, kasi journalist ako, pulitiko siya, hindi puwedeng makitang magkasama all the time kasi may epekto sa pagiging journalist ko.

“Kaya ang huling broadcast ko (TV Patrol) bago ako nag-leave, ‘ito po si Korina Sanchez-Roxas’ sabi nga nila sa akin, ‘Ay nasabi na rin niya!’” kuwento pa sa amin ni Ms. K.

At noong nagbakasyon na nga raw ang TV host ay nagkaroon na siya ng transformation, “Sabi ko, if I can be a journalist, I can be his wife. So I have to leave his life and I have to embrace his life, so kailangan kong medyo mag-immerse sa pulitika niya, kailangan kong makilala ang mga tao sa paligid niya na rati ayaw na ayaw ko.

“Kailangan ko ring humarap sa lahat ng mga grupo niya at tumatanggap na rin ako ng pera (entrega) sa kanya kapag binibigyan niya ako, pero hindi pa rin ako humihingi,” kuwento pa ng TV Patrol anchorwoman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pagpapatuloy pa nito, “Nag-e-evolve na pala kami (usapan nila ni Mar), like, kung sabi ko, ‘kung may nangyari pala sa ‘yo sa Yolanda o sa Zambaonga, hindi ko alam anong gagawin ko, ano bang mga bilin mo, pinag-usapan na namin ‘yun.”

Bukas marami pang nakatutuwang kuwento si Ate Koring sa pagsasama nila ni Sec. Mar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending