Nanay ni Jam kay Mich: Sinong mukhang pera sa ating dalawa? | Bandera

Nanay ni Jam kay Mich: Sinong mukhang pera sa ating dalawa?

|April 18,2015
facebook
share this

Nanay ni Jam kay Mich: Sinong mukhang pera sa ating dalawa?

- April 18, 2015 - 07:26 PM

SUNUD-sunod ang pinakawalang maiinit na salita laban kay Mich Liggayu, ng nanay ni Jam Sebastian na si Maricar.

Sa panayam ng Startalk, hindi na napigilan ang paglilitanya ni Maricar laban sa kasintahan ng namayapang anak hinggil sa usapin ng Jamich funds.

Naniniwala si Maricar na ngayong wala na ang kanyang anak, meron na siyang karapatan sa pondo ng Jamich funds na kinita nito noong ito ay nabubuhay pa.

” Gusto ko ng breakdown ng finances ng anak ko. Wala akong pinakinabangan sa pagsikat ng anak ko noong nabubuhay pa siya dahil may kanya-kanyang kaming buhay. This time, namatay ang anak ko, may karapatan na ako,” pahayag ni Maricar.

Hindi na raw sana siya magsasalita laban  sa kasintahan ng anak, pero napilitan siya dahil sa mga lumalabas na kasinungalingan nito.

“Ayoko na sanang magsalita pero grabe na.  Hinihingi namin sa ‘yo ang gamit pero ang sabi mo pag-iisipan mo.  Hinihingi namin yung share ng anak ko, pero ang gusto mo sa iyo lahat. Naghirap din ang anak ko diyan.  Di mabubuo ang Jamich kung walang Jam,” ayon pa sa ina ni Jam.

Inisa-isa rin ni Maricar ang umano’y pagiging “ganid” ni Mich. Ilang bagay na gamit ng anak ang hiningi nila ngunit hindi ibinigay ni Mich.

Pati umano ang cellphone ni Jam ay minsan ding kinuha ni Mich para lang i-log-out ang Jamich social media accounts at email naka install sa kanyang cellphone.

“Nung namatay ang anak ko, ang cellphone ng anak ko nasa amin.  Hiniram mo yung kay Yexel (kapatid ni Jam) at ano ang ginawa mo? Ni-log-out mo ang Facebook, ang emial, ni-log-out mo ang lahat, ang Jamich page. Para ano, para mawalan kami ng access?  Dahil alam mo sa Jamich pahe pinagkakakitaan ninyo iyan.,” hirit pa ni Maricar.

Pati anya ang Google page ng anak ay isinara rin ni Mich dahil alam nito na may kita rin doon ang Jamich mula sa kanilang Youtube account.

Pinasaringan din nito si Mich na may iba itong karelasyon ng panahon na naghihirap pa ang kanyang anak.

“Tuwing madaling alar na lang saan ka nagpupunta?  HIndi ka natutulog sa bahay.  Kung sabihin mo na magkakaibigan lang kayo, bakit mas marami ka pang time sa kanya?  Nasaan ka nung alam mo na kailangan ka ni Jam?,” banat pa nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Matagal na ang bali-balita na meron umanong ugnayan si Mich sa baguhang singer na si Neo Domingo na mariin namang tumanggi sa mga akusasyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending