Jolina inaatake ng nerbiyos sa panggagaya kay Pacman | Bandera

Jolina inaatake ng nerbiyos sa panggagaya kay Pacman

Ervin Santiago |April 18,2015
facebook
share this

Jolina inaatake ng nerbiyos sa panggagaya kay Pacman

Ervin Santiago - April 18, 2015 - 01:30 AM

jolina magdangal

Walang iba kung hindi ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao ang gagayahin ni Jolina Magdangal sa next episode ng Your Face Sounds Familiar ngayong weekend.

Kaya naman hindi maiwasang kabahan ni Jolina lalo pa’t kilala ng lahat ng Pinoy si Manny at inaabangan na ang laban niya kay Floyd Mayweather Jr.

“Sa totoo lang ang pagbigay sa akin ng Manny Pacquiao, timing din. Hindi naman sinasadya na may laban siya. Kahit sino sa amin pwedeng bigyan ng Manny. Manalo o matalo, happy ako na nabigay sa akin ito,” saad ni Jolina.

“Pakiramdam ko ang iba na hindi makalapit sa kanya magpa-picture na lang sa akin,” biro niya. “Si Manny Pacquiao, meron siyang tunog at galaw at facial expression.

Ang ngiti niya alam mong Manny. Pressured ako pero gusto kong ilagay sa exciting,” ani Jolens.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending