Ai Ai inamin sa presscon ng GMA: Naisip ko ang tanga-tanga ko! | Bandera

Ai Ai inamin sa presscon ng GMA: Naisip ko ang tanga-tanga ko!

Alex Brosas |April 18,2015
facebook
share this

Ai Ai inamin sa presscon ng GMA: Naisip ko ang tanga-tanga ko!

Alex Brosas - April 18, 2015 - 12:00 AM

aiai delas alas

Pasabog ang pagbabalik ni Ai Ai delas Alas sa Siyete. Engrandeng-engrande ang pagsalubong sa kanya. At one point during her speech ay naiyak pa siya dahil sa sinabi ni Atty. Felipe Gozon na favorite niya si Ai Ai.

Naalala kasi niya ang kanyang biological mom. Noong kinuha kasi niya ito ay may Alzheimer’s disease na ito’t hindi na siya nakikilala, parang kinalimutan na siya nito. Pero ang GMA, hindi siya kinalimutan.

Bongga ang mga shows ni Ai Ai sa Siyete. Apat ang gagawin niyang project at happy siya dahil varied ang mga ito – me musical, me drama, may talk show.

When asked kung sino ang gusto niyang makasama, agad-agad niyang minention ang name ni Dennis Trillo. When somebody asked her kung hindi ba niya type na makasama si Aljur Abrenica, sinabi niyang hindi siya aware na nagbalik na ito sa GMA 7. Pero later on sinabi niyang welcome siyang makatrabaho si Aljur.

Balik na rin si Ai Ai sa social media. Meron na uli siyang Instagram account, @msaiaidelasalas. “Kasi naisip ko ang tanga-tanga ko bakit ako nagbura (ng IG account). Emosyonal ako, eh.

Unang-una, lumang tao ako, hindi ako sanay na sinisiraan ng kahit na sino. Sanay ako na isang tao lang ang naninira sa akin. Eh, ngayon kahit sino puwede,” sabi niya sa contract signing for a GMA 7.

Sa kanyang pagbabalik ay pumarada pa si Ai Ai sa paligid ng GMA 7 sakay ng karitela together with the seven “dwarfs”.And when she returned to the GMA building, talagang nagsigawan ang GMA staff in welcoming her.

Ang saya-saya lang ng atmosphere sa Siyete nang bumalik siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending