Richard, Enchong bibida sa Wansapanataym | Bandera

Richard, Enchong bibida sa Wansapanataym

Ervin Santiago |April 18,2015
facebook
share this

Richard, Enchong bibida sa Wansapanataym

Ervin Santiago - April 18, 2015 - 01:30 AM

ser chief enchong
SIGURADONG matutuwa ang mga tagasuporta ni Richard Yap – na mas kilala pa rin hanggang ngayon bilang Sir Chief dahil sa hit series nila ni Jodi Sta. Maria na Be Careful With My Heart, dahil may good news ngang in-announce ang ABS-CBN kahapon.

Si Richard ang magbibida sa bagong season ng Wansapanataym na may titulong My Kung Fu Chinito. Ito ang papalit sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures nina Coco Martin at Julia Montes na patuloy pa ring humahataw sa rating every Sunday night.

Makakasama ni Ser Chief dito sina Enchong Dee, Atoy Co, David Chua at ang ka-love triangle nina Enrique Gil at Liza Soberano na si Sofia Andres. Ito’y sa direksiyon ni Eric Salud.

Of course, sa titulo pa lang ay alam n’yo na kung ano ang pagkakapareho ng mga members ng cast – ang pagiging chinito nila.

Sa pocket presscon kahapon na ibinigay ng Dreamscape Entertainment TV para sa mga bida ng new season ng Wansapanataym, sinabi ni Richard na hindi lang basta romance-fantasy-adventure ang magiging kuwento ng My Kung Fu Chinito, marami rin daw silang gagawing action scenes dito kaya ngayon pa lang ay naghahanda na sila para sa pagsisimula ng kanilang taping.

Halos lahat daw sila ay nagte-training na ngayon ng wushu at martial arts bilang preparasyon sa mga maaaksyong eksena na ipagagawa sa kanila ni direk Eric.

Samantala, ito rin ang magsisilbing comeback project ni Enchong matapos siyang mawala nang matagal-tagal sa limelight dahil sa mga ginawa niyang series of shows sa iba’t ibang bansa na sinabayan na rin niya ng bakasyon.

Kaya abangan n’yo na lang ang pagsasanib-pwersa nina Ser Chief at Enchong sa Wansapanataym Presents My Kung Fu Chinito sa ABS-CBN tuwing Linggo very soon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending