Vice sa isyu ng lovelife: Katsipan! | Bandera

Vice sa isyu ng lovelife: Katsipan!

Ervin Santiago |April 18,2015
facebook
share this

Vice sa isyu ng lovelife: Katsipan!

Ervin Santiago - April 18, 2015 - 01:30 AM

vice ganda

Ayaw nang magkomento pa ni Vice Ganda tungkol sa pang-iintriga sa kanila ni Mr. Chinatown 2014 winner Kurt Joshua Ong. Kumalat kamakailan na si Kurt daw ang bagong dyowa niya ngayon.

Pero sa isang panayam kay Vice, sinabi nitong isang malaking katsipan ang nasabing balita. Aniya, hangga’t maaari sana ay ayaw na niyang pag-usapan pa ang tungkol sa kanyang lovelife.

“Mas maraming bagay ang mas relevant sa akin kaysa du’n sa lovelife ko. Ayokong pinag-uusapan ang lovelife ko, nakaka-teen star! Saka baka ang mga tao, utang-uta, ‘Ano ba ‘yan, palagi na lang lovelife!’” ang tila imbiyerna nang pahayag ni Vice sa isang interview.

Basta ang mahalaga raw ngayon ay masaya siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending