CARLA ayaw maghubad sa magazine, pero ok sa laplapan | Bandera

CARLA ayaw maghubad sa magazine, pero ok sa laplapan

|June 11,2012
facebook
share this

CARLA ayaw maghubad sa magazine, pero ok sa laplapan

- June 11, 2012 - 04:41 PM

Nag-promise raw kasi sa kanyang tatay at lola

KAHIT daw anong mangyari, kahit daw malapit nang mag-end of the world, hinding-hindi raw magpo-pose si Carla Abellana sa men’s magazine.

In fairness, matagal na raw kinukumbinse si Carla na mag-pose ng nakahubad sa mga sexy magazines, pero paulit-ulit din daw niya itong tinatanggihan.

“I think there was an offer before, I don’t remember if it was two years ago, or three years ago.

Tinanggihan namin.

Kasi bukod sa hindi talaga ako ready, ayaw talaga ng lola ko at ng daddy ko, ayaw nila ‘yan.

“At pinramis ko ‘yan sa daddy ko at sa lola ko – so, hindi ko ibe-break yung promise ko sa kanila. Tsaka, talagang hindi ko ma-imagine ang sarili ko doon,” pahayag pa ng leading lady ni Richard Gutierrez sa primetime series ng GMA na Makapiling Kang Muli.

Pero paano kung siya ang papiliin ng concept, magbabago ba ang isip niya? “Hindi na lang, no thanks! Unless fully-clothed, di ba? E, hindi puwede iyon so hindi mangyayari ‘yun.”

Well, huwag na natin pilitin si Carla – ngayon, malay n’yo next year biglang magbago ang kanyang pananaw, di ba?

Anyway, kung sa TV o pelikula naman, okay lang kay Carla kung i-require siyang maghubad, ‘yun daw kasi ay trabaho niya bilang aktres, hindi ‘yung basta naghubad lang siya.

Kaya sa Makapiling Kang Muli, wala siyang kaarte-arteng nakipaghalikan kay Richard, and soon sa isa pa niyang leading man sa serye na si TJ Trinidad.

Narito ang mga aabangan n’yong eksena this week sa Makapiling Kang Muli sa direksiyon ni Ricky Davao: Hindi halos maitago ni Mara ang tuwa nang makita si Martin, ang kanyang anak kay Emilio na inilihim n’ya sa mahabang panahon.

Nagtataka at nayayamot si Louie sa reaksyon ng kanyang ina, lalo’t ayaw ni Louie ang ginawa ni Martin sa paglapit sa kanyang kabayo.

Hanggang sa niyaya na ni Florentino si Martin papunta sa bahay ni Anita, kamag-anak ni Florentino.

Sa bahay ni Anita mamimirmihan sila Florentino at Martin.

Palihim na magbigay ng pera si Mara kay Florentino para sa pag-aaral ng kanyang anak na si Martin.

Hindi magtatagal, nakahalata si Serafin dahil sa audit report na may suspicious withdrawal si Mara sa kanyang bank account.

Pinaalam niya ito kay Roman pero nalusutan kagad ito ni Mara at pinalabas n’ya na para sa orphanage ang kanyang tseke.

Laking-pasasalamat n’ya sa bank manager na nagtakip sa totoong recipient ng kanyang tseke.

Galit si Soledad nang makita si Florentino na nag-aapply bilang trabahador sa rancho.

Halos ipagtabuyan n’ya si Florentino. Makikiusap si Mara sa kanyang ina. At  tinanggap naman siya ni Soledad.

Pero di nagtagal, nagkasakit si Florentino kaya napilitan si Martin na magtrabaho sa rancho at hindi na rin ituloy ang kanyang balak na mag-aral.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakilala ni Louie si Leilani,  anak ni Serafin. Halatang may gusto si Louie kay Leilani pero mayayabangan ang babae sa kanya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending