Ai Ai tatapatan ang Kris TV ng ABS-CBN | Bandera

Ai Ai tatapatan ang Kris TV ng ABS-CBN

Ervin Santiago |April 11,2015
facebook
share this

Ai Ai tatapatan ang Kris TV ng ABS-CBN

Ervin Santiago - April 11, 2015 - 02:00 AM

kris aquino

MUKHANG tuloy na tuloy na nga ang paglipat ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas sa GMA 7 kung ang pagbabasihan ay ang latest post ng komedyana sa kanyang Instagram.

Actually, kalat na ang chika na nakapirma na ng kontrata si Ai Ai sa Siyete at nag-pictorial na rin daw ito para sa unang proyekto niya sa Kapuso network, ang TV remake ng pelikula noon nina Angel Locsin at Richard Gutierrez na “Let The Love Begin”.

Ito’y pagbibidahan naman ngayon ng mga Kapuso teen stars na sina Ruru Madrid at Gabbi Garcia. Isasama rin daw ang komedyana sa tomboy serye ni Marian Rivera na The Rich Man’s Daughter.

Bukod dito bibigyan din daw si Ai Ai ng isang morning talk show na posibleng itapat sa programa ni Kris Aquino sa ABS-CBN at isang sitcom kung saan makakasama niya si Vic Sotto.

Ayon sa isang source, kung wala nang magiging problema, sa April 16 iwe-welcome ng mga bossing ng GMA si Ai Ai sa isang bonggang presscon.

Sa isang Instagram post nga ng Comedy Queen ay tila nagpatikim na ito sa gagawin niyang pagbabalik sa Siyete. Sey ni Ai Ai, “Lord, I know Your plan is always the best.

Sometimes the process is painful & hard. But I know that when You are silent, You are doing something for me. Amen!” Kapansin-pansin din ang naging reply ni Ai Ai sa isa niyang follower na nagtanong tungkol sa paglayas niya sa ABS-CBN, sabi ng komedyana, “I was a loyal soldier—at napakalaki ng utang na loob ko sa abs pero minsan work lang to hehe walang ibang dahilan.”

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending