Tatay kinatay ng anak; puso at atay ng ama ginawang adobo | Bandera

Tatay kinatay ng anak; puso at atay ng ama ginawang adobo

|April 10,2015
facebook
share this

Tatay kinatay ng anak; puso at atay ng ama ginawang adobo

- April 10, 2015 - 04:52 PM

Adobo

Adobo

KINATAY ng isang anak ang kanyang tatay sa Goa, Camarines Sur kung saan niluto pa nito ang kinuhang puso at atay ng ama.
Kinilala ni Police Officer 1 Richard Capuz, spokesperson ng Goa Municipal Police Office ang biktima na si Eddie Pares Sr., 51. Natagpuan si Pares na naliligo sa sariling dugo sa tambakan ng basura sa likuran ng kanilang bahay sa Barangay Tomagongtong, Goa, ganap na alas-7 ng umaga.
Idinagdag ni Capuz na ang 16-na-taong gulang na bunsong anak ni Pares na si Eddie, Jr. ang nakadiskubre sa bangkay ng kanyang ama.
Itinuro naman ng mga imbestigador ang pinakamatandang anak ni Pares na si Ardy, 29 na siyang nasa likod ng pagpatay.
Ayon pa kay Capuz, maaaring isinagawa ang krimen ganap na alas-3 ng umaga.
Idinagdag ni Capuz na wala na ang puso at atay ni Pares batay sa isinagawang autopsy ng isang municipal health officer.
“The autopsy also showed a long incision on his chest running down to the abdomen,” sabi ni Capuz.
Iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang ulat na niluto at kinain ni Ardy ang mga nawawalang lamang loob ng kanyang tatay.
Itinanggi naman ng mga kamag-anak ni Pares na may nangyaring cannibalism.
“Ardy fled the house after Eddie Jr. found out what he did to their father,” sabi ni Capuz.
Naaresto si Ardy kahapon ng umaga sa Barangay Baligyan, Presentacion, Camarines Sur, tinatayang 40 kilometro ang layo mula sa Goa.
Nakakulong si Ardy sa Goa Municipal Police Office.
Tahimik lamang si Ardy nang tanungin kung kinain nga niya ang puso at atay ng kanyang tatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending