Matteo mas pinili ang pamilya sa Cebu kesa kay Sarah | Bandera

Matteo mas pinili ang pamilya sa Cebu kesa kay Sarah

Ervin Santiago |April 08,2015
facebook
share this

Matteo mas pinili ang pamilya sa Cebu kesa kay Sarah

Ervin Santiago - April 08, 2015 - 02:00 AM

matteo guidecelli
Among the showbiz celebrities na nag-spend ng kanilang Holy Week outside Metro Manila and even abroad, ang talagang pinag-usapan ay si Sarah Geronimo.

Bihira nga kasing magbakasyon ang Pop Princess sa isang malayong lugar na hindi kasama ang kanyang parents. Pero ang ipinagtataka ng kanyang fans ay kung bakit hindi rin nito kasama ang kanyang BF na si Matteo Guidicelli na kamakailan nga ay naging happiest birthday celebrator matapos siyang kantahan at pakiligin ni Sarah by professing her love to him.

Sa pamosong Balesin Island resort (na kontrobersyal din ngayon) sa Quezon Province nagpunta si Sarah kasama ang mga kaibigan nito.

Doon nito pinagmuni-munihan ang mga bagay-bagay at balita pang super enjoy ito bilang isang ordinaryong tao. “Ang alam namin ay umuwi sa Cebu City si Matteo at sa pamilya niya nag-spend ng Holy Week.

Sa social media lang sila nagkakausap,” sey ng isang kapwa Popsters. Well, that’s what we call “love spacing.” And we believe, that’s a must to everybody who wants to grow love in a more mature and responsible way.

Basta, tahimik muna kami sa mga nalalaman naming plano nina Sarah at Matteo sa mga susunod na panahon dahil hindi pa nga kami binibigyan ng go signal to give it away.

Ha-hahahaha! Basta lagi lang kayong magbasa ng BANDERA dahil dito namin unang isusulat kung ano ang mga plano na ‘yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending