Baguhang singer na nali-link kay Mich Liggayu umamin sa tunay na relasyon | Bandera

Baguhang singer na nali-link kay Mich Liggayu umamin sa tunay na relasyon

Ervin Santiago |April 05,2015
facebook
share this

Baguhang singer na nali-link kay Mich Liggayu umamin sa tunay na relasyon

Ervin Santiago - April 05, 2015 - 02:00 AM

mich liggayu\
IPINAGTANGGOL ng baguhang singer na si Neo Domingo ang girlfriend ng yumaong YouTube sensation na si Jam Sebastian sa mga bashers na patuloy na nanlalait at nambabastos sa dalaga.

Ayon sa singer, hindi totoong may relasyon sila ni Mich Liggayu. Hindi rin daw totoo na buhay pa si Jam ay nagkikita na sila nang palihim ni Mich. Sa Facebook idinaan ni Neo ang kanyang mensahe sa mga taong nambabagsak kay Mich.

“WALA NA AKONG MAGAGAWA sa mga taong walang alam sa katotohanan at naniniwala sa mga peke at malisyosong blogs at tsismis,” panimulang sabi ng singer.

“Mas marami akong mas mabuting dapat pagtuunan ng pansin. And for the record, hindi kami ni Mich. Hindi naging kami at magiging kami kailanman. #?SigeLangTsismisPa? ?#?GoodFriday?,” dagdag pa ng binata.

Nauna nang nagkasama sa isang short film sina Mich at Neo, ang “Classmates” na ipinost sa official YouTube channel nina Mich at Jam noong December, 2013.

Kumalat ang chika na may relasyon diumano ang dalawa habang nakikipaglaban sa sakit na cancer si Jam. Pumanaw si Jam noong March 4.

Kamakailan, sinabi ni Mich na ayaw na niyang patulan ang mga namba-bash sa kanya at ipinagpapasa-Diyos na lang niya ang lahat. Kasabay nito nabalita rin na hindi maganda ang relasyon ngayon ni Mich sa nanay ni Jam dahil nga sa mga nalalaman nito tungkol sa tunay na pagkatao ni Mich.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending