Kili-kili ni Ina Raymundo nilait ng bashers: Sobrang itim! | Bandera

Kili-kili ni Ina Raymundo nilait ng bashers: Sobrang itim!

Ervin Santiago |April 01,2015
facebook
share this

Kili-kili ni Ina Raymundo nilait ng bashers: Sobrang itim!

Ervin Santiago - April 01, 2015 - 02:43 PM

ina raymundo

“SIGE nga patingin ng mga kili-kili nyo. Hiyang-hiya naman ako!”

‘Yan ang naging palabang sagot ng dating sexy actress na si Ina Raymundo sa mga netizens na nanlait sa kanyang kili-kili. Kumalat kasi ang litrato ni Ina sa Instagram  kung saan makikitang nakasuot siya ng swimsuit at nakataas ang isang kamay. Dito na nga umariba ng pamba-bash ang ilan sa kanyang followers at talagang nilait-lait ang kanyang kili-kili. Ayon sa isang nag-comment, ang lakas daw ng loob ng aktres na ipakita ang kanyang underarm, e, ang itim-itim naman daw nito. Ayon naman sa isa pang netizen, “Pabelo kayo ng underarm mo sis ang itim oh.” At dito na nga sinagot ni Ina ang kanyang mga basher, hinamon pa nitong magpakitaan sila ng kili-kili ng mga bumabatikos sa kanya. Iyon a ang una’t huling post ng aktres tungkol sa viral kilikili photo niya. In fairness, mas marami ang nagtanggol sa dating “Sabado Night” girl at talagang kinuyog nila ang ilan sa mga nam-bash sa aktres. Ayon sa isang supporter ni Ina, ang sagwa namang tingnan kung morena ang aktres tapos mestisa ang kili-kili niya, “Mag-isip-isip naman kayo! Wag basta mang-okray! Patawarin sana kayo!” Sabi naman ng isa, “At least si Ina kahit lima na ang anak, ang sexy pa rin, tsaka natural lang naman sa isang morenang Pinay ang maging maitim ang kilikili, e, kayo, baka nga mahiya ang balat ng buwaya sa kili-kili n’yo, no!” At para inisin pang lalo ang kanyang bashers,  nag-post pa si Ina ng kanyang mga selfie picture sa IG na puro kita ang kanyang underarm.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending