Fans ng Forevermore awang-awa kay Liza | Bandera

Fans ng Forevermore awang-awa kay Liza

Ervin Santiago |April 01,2015
facebook
share this

Fans ng Forevermore awang-awa kay Liza

Ervin Santiago - April 01, 2015 - 02:00 AM

liza and enrique

NAG-ALALA ang lahat ng fans at followers ng Kapamilya princess na si Liza Soberano matapos nga itong isugod sa ospital noong nakaraang weekend.

Kumalat kahapon sa social media ang pagsugod muli kay Liza sa ospital dahil sa over fatigue. Ito na ang ikalawang pagkakataon na isinugod ang teen actress sa ospital.

Noong Sabado dinala rin ang ka-loveteam ni Enrique Gil sa Primetime Bida series na Forevermore sa ospital dahil din sa sobrang pagod. Mismong ang manager niyang si Ogie Diaz ang nagbalita nito sa fans ng kanyang alaga.

Ito ang dahilan kung bakit hindi nakarating si Liza sa ASAP 20 noong Linggo. Na-confine si Liza para maobserbahan ang kanyang kundisyon. Kinagabihan ay pinauwi na rin ang young actress matapos gumanda ang pakiramdam nito.

Ayon sa tweet ng ating friendship na si Ogie, “Sori po at absent si @lizasoberano sa #asap20 due to overfatigue na ikinaospital na ng bata. Nalungkot sya kc gusto nya talaga mag-Asap eh.”

“Kailangan mag-rest ni @lizasoberano para may energy siya for #forevermore taping. Excited pa naman siya to attend d #LizQuen fans day, huhu,” dagdag pa ng manager-TV host-comedian

Maraming fans ang na-disappoint noong Sunday dahil inaasahan nga nila na magkakaroon ng bonggang production number si Liza sa ASAP 20 para sa birthday celebration ni Enrique who just turned 23 last Monday.

Pero bigla ngang kumalat ang balita na ibinalik si Liza sa ospital. Wala pang kumpirmasyon ang balitang ito pero sana nga’y maging maayos na ang kalagayan ni Liza para matahimik na rin ang kalooban ng kanyang fans.

Samantala, mas dumarami pa ang mga Forevermore addict dahil sa patuloy na pagganda ng kuwento nito. In fairness, gabi-gabing nagpapakilig ang number one Primetime Bida series sa mga manonood kaya naman patuloy pa rin itong nangunguna sa ratings game.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending