May asawa ang BF | Bandera

May asawa ang BF

Joseph Greenfield |April 01,2015
facebook
share this

May asawa ang BF

Joseph Greenfield - April 01, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Lyn ng South Vill Country Homes, Ma-a, Davao City

Dear Sir Greenfield,
May boyfriend ako sa ngayon, pero ang problema ay may asawa na po siya. Pero sabi niya sa akin ay pinilit lang daw siyang pakasal ng mga magulang niya sa kasalukuyan niyang asawa kahit hindi niya ito mahal. Nang natagpuan niya na raw ako handa daw siyang iwanan ang kanyang asawa para magsama na kami. Itatanong ko lang kung kahit kaya may asawa siya ay may pag-asa kayang kami pa rin ang magsasama habambuhay pagdating ng panahon. Ang sabi niya kasi sa akin ay kumukuha lang siya ng pagkakataon, iiwan na niya at hihiwalayan ang kanyang asawa upang kami na raw ang magsama habambuhay. Totohanin kaya niya ang pangako niyang ito sa akin o baka binobola lang niya ako? Kung hindi siya, may darating pa kayang ibang lalaki na makakasama ko habambuhay kahit na 32 na ang edad ko sa kasalukuyan? September 4, 1982 ang birthday ko.

Umaasa,
Lyn ng Davao City
Solusyon/Analaysis:
Palillus 0401mistry:

Nawasak ang unang bahagi ng iyong Heart Line (Illustration 1-1 arrow 1.), pero gumanda at naayos din sa gitna hanggang dulong bahagi (arrow 2.). Ibig sabihin, sa ngayon kabiguan at kalungkutan sa pag-ibig ang iyong mararanasan ngunit sa susunod na taong 2016 ay unti-unti ka nang liligaya sa piling ng isang lalaking binata o wala pang asawa.

Cartomancy:

King of Clubs, Six of Diamonds at Queen of Hearts ang lumabas (c Illustrtaion 2.) Ang mga baraha ang nagsasabing sa 2016 ay isang binata na mayaman ang iyong makikilala at magiging boyfriend, ngunit mangyayari lang iyon kung makikipag-break ka na ngayon sa kasalukuyan mong BF na may asawa na.
Itutuloy

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending