Jolo inaatake ng matinding trauma, bumalik sa pagka-baby | Bandera

Jolo inaatake ng matinding trauma, bumalik sa pagka-baby

Cristy Fermin |April 01,2015
facebook
share this

Jolo inaatake ng matinding trauma, bumalik sa pagka-baby

Cristy Fermin - April 01, 2015 - 02:00 AM

jolo and lani
Mainit na pagtanggap ang isinalubong ng kanyang mga kababayan kay Vice-Governor Jolo Revilla sa kanyang pagbabalik sa Kapitolyo ng Cavite nu’ng nakaraang Lunes nang umaga kasama ang kanyang inang si Congresswoman Lani Mercado.

Eksaktong isang buwan na namahinga ang batang aktor-pulitiko sa kanyang trabaho, kinailangan niyang magpahinga dahil sa tinamo niyang sugat sa kanang balikat nang aksidente niyang maputukan ang kanyang sarili, pero pinaigsi ni VG Jolo ang kanyang pamamahinga.

Sa halip na dalawang buwan ay bumalik na siya sa serbisyo pagkatapos lang nang isang buwang pamamahinga, nagpaalam siya sa kanyang mga doktor na kaya na niyang maglingkod, dobleng pag-iingat lang ang sagot ng mga doktor sa kanya.

Hindi muna siya natutulog sa kanyang kuwarto, sumisingit pa rin kasi sa kanyang alaala ang aksidenteng naganap, para siyang baby na nakikikuwarto ngayon sa kanyang dakilang ina.

Hindi ganu’n kadaling mawala ang trauma, pabalik-balik ‘yun sa ating isip, matatagalan pa siguro bago tuluyang makalimutan ni Vice-Governor Jolo ang nangyari sa kanya.

Nu’ng huli namin siyang makita sa PNP Custodial Center ay kapansin-pansin ang malaking ibinagsak ng kanyang timbang. Nakakikilos na rin siya nang maayos kahit pa medyo alalay na alalay siya sa kanyang kanang balikat.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending