Jolina laging bitbit ang anak sa taping, ayaw ipagkatiwala sa yaya | Bandera

Jolina laging bitbit ang anak sa taping, ayaw ipagkatiwala sa yaya

Ambet Nabus |April 01,2015
facebook
share this

Jolina laging bitbit ang anak sa taping, ayaw ipagkatiwala sa yaya

Ambet Nabus - April 01, 2015 - 02:00 AM

jolina magdangan
“TIMING lang siguro.” Ito ang naging sagot sa amin ni Jolina Magdangal nang makausap namin hinggil sa tila reinvention niya as an artist simula nang bumalik siya as a Kapamilya.

“Nataon lang din na mayroong offer na gaya nga nitong Flordeliza na heavy drama talaga,” ani Jolens na ibang-iba ang akting sa naturang soap opera kung saan siya nakikipagtagisan ng akting kina Marvin Agustin at Desiree del Valle na may tema pa ring agawan ng asawa at kabitan.

Pero natawa si Jolens (at natuwa) nang itanong namin na parang mas may kilig sila ni Carlo Aquino sa naturang afternoon serye ng ABS-CBN kesa kay Marvin.

“Oo nga, nagulat nga din ako sa feedback. Unang-una kasi mas hamak namang bata sa akin si Carlo at never naman talaga kaming naging tandem. Sa Flordeliza nga, biglang nabuo yung mga karakter namin.

And I should say na ganu’n kagaling na aktor si Carlo para makumbinsi niya viewers na ganoon katindi ang pagmamahal niya sa akin,” paliwanag pa ni Jolens na nagpaalala na hindi pa rin dapat gino-glorify ang pang-aagaw ng asawa ng may asawa.

“But still, long to go pa ang aming soap. We still don’t know what to expect,” hirit ng aktres na super happy din sa kanyang ginagawa sa reality talent show ng ABS na Your Face Sounds Familiar dahil aniya, “Sobrang kakaiba.

Extreme siya sa mga ginagawa ko dati. Ang daming surprises and we all love it.”

Samantala, lagi raw bitbit ni Jolens ang anak sa lahat ng activities niya. Mula sa three times a day na taping for Flordeliza hanggang sa two-day rehearsal for Your Face Sounds Familiar, naging nursery at playpen na ng baby niya ang dressing room niya sa kanilang taping.

“Nasanay na rin si bagets. Gusto ko kasi hands on ako sa lahat at dapat nakikita ko. Kumpleto naman ang tulog at pahinga ng bata dahil healhty naman ang environment niya.

Ganu’n talaga pag working mom,” paliwanag ni Jolens na umaming maraming nagbago sa buhay niya simula ng maging asawa at mommy siya.

“As an artist, fulfilled na fulfilled na ako. Sa dalawang shows ko pa lang with ABS-CBN, wala na akong masabi. And at this early, may mga plano ng bago pero tatapusin ko muna ang mga ginagawa ko ngayon,” hirit pa nito.

Among the jurors naman sa Your Face Sounds Familiar, pinaka-afraid daw si Jolens kay Gary Valenciano. Ito daw kasi ang tipo ng music icon na parang mahirap patawanin o hindi basta-basta tumatawa o natutuwa at prangka din sa mga opinyon.

At bilang singer pa, sobra ang talas nito sa mga nota at munting mga pagkakamali kaya’t challenge daw sa kanya every week kung paanong mapi-please si Gary sa kanyang ginagawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eh, paano naman sina Jed Madela at Sharon Cuneta na hindi pa rin mapigilan ang paghalakhak?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending