Arjo Atayde baliw na baliw pa rin kay Alex Gonzaga | Bandera

Arjo Atayde baliw na baliw pa rin kay Alex Gonzaga

Jobert Sucaldito |April 01,2015
facebook
share this

Arjo Atayde baliw na baliw pa rin kay Alex Gonzaga

Jobert Sucaldito - April 01, 2015 - 02:00 AM

arjo artayde
ONE of the young boys na talagang lilingunin mo bilang artista ay itong mahusay na aktor named Arjo Atayde. Complete package ang bata – guwapo, may character, malakas pero maganda ang dating, edukado, magalang, seryoso sa trabaho and higit sa lahat, may magandang puso para sa mas nakakababa.

Bilib na bilib kaming lahat sa batang ito. Lahat ng nakakausap ko na nakakakilala kay Arjo Atayde ay sobrang hanga sa kaniyang pagkatao. He’s such a very lovable boy na gusto mong iuwi sa tahanan ninyo’t gawing bahagi ng iyong pamilya.

Personally, nu’ng una kong marinig ang pangalan ng batang ito, medyo nailang ako. He’s so formal. Yung feeling ko that time ay hindi ko makakabiruan – feeling ko kailangan kong maging maayos sa aking pananalita dahil mukhang istrikto.

Nakakatawa nga dahil yung feeling kong iyon ay napakabilis mabago dahil sa unang pagkikita namin, nabasa ko na agad ang laman ng utak at puso niya.

May not be all pero at least may hint na ako as to who this young man is. Gusto ko ang outlook niya sa buhay – bilang artista at bilang normal na kabataan.

Kaya after talking to him, ang naglaro sa isip ko ay napakahusay ng pagpapalaki nina kaibigang Sylvia Sanchez and her husband Art Atayde sa kaniya and the rest of his siblings.

And what a terrific find sa showbiz industry – walang sayang sa paggalaw niya sa harap ng camera. Napakahusay umarte – sa totoo lang – amongst his peers sa henerasyon niya, I must say that he is the best.

Napakagaling umarte – a young John Lloyd Cruz. A very rare find indeed! “I am so much in love with my profession. Ang ginagawa ko, nanonood ako ng iba’t ibang klase ng pelikula, Tagalog o English, I watch them and tinitingnan ko kung papaano ang mga atake ng iba’t ibang aktor sa bawat papel na ginagampanan nila.

No, hindi ko ginagaya ang style nila. I found my own style – gusto ko maiba kaysa sa kanila.  “Inaaral ko sa isipan ko kung paano ko iha-handle ang bawat eksenang ibinibigay sa akin ng direktor.

Of course, with the blessing of my director, hindi naman ako nagpapaka-feeling mahusay. I just do my thing – alam naman ng direktor kung natumbok mo ang gusto niya eh.

And I make sure na bago ako dumating sa set ay alam ko na ang lines ko – konting rehearsals lang ayos na kami madalas,” our baby Arjo shared with us.

I would see him in some episodes noon ng Pure Love, isang super-hit na afternoon drama ng ABS-CBN where he played a bida-kontrabida. It was a scene with his very own mom, the award-winning actress Ms. Sylvia Sanchez.

Inisip kong baka lamunin siya sa husay ng kaniyang mommy pero nagkamali ako. In fairness, sumabay siya sa husay ng kaniyang ina. Lumutang ang husay ni Arjo kaya from then on, nakatatak na sa utak ko that this young man will eventually become one of the country’s greatest actors.

“My mom is a fantastic actress kaya alam kong nandiyan lang siya to support me. My dad is my greatest critic. He knows kung kailan ako magaling at alam niya kung kailan ako medyo sablay.

Hindi man siya ganoon ka-demonstrative like my mom but I can feel his support. My family is my greatest weapon sa buhay, sila ang nag-i-inspire sa akin to do better every day.

“I just feel so blessed to have a family in them, napakasuwerte ko talaga kaya I always thank God for this wonderful blessings. It wasn’t an easy climb to wherever I am now – this little name that I have now ay hindi basta-basta ibinigay lang sa akin.

Pinaghirapan ko ito – pinagtiyagaan ko rin ito. Masuwerte nga ako at pinagkakatiwalaan ako ng ABS-CBN ng magagandang projects kaya ayoko naman silang i-disappoint.

“I also want my whole family to be very proud of me, lalo na ang mga tita’t tito ko, ang grandparents ko, my cousins – I want them to love my industry dahil dito ako masaya – isa ito sa bumuhay sa aming mag-anak.

Alam niyo naman ang pinagdaanan ng pamilya namin for a long time, my mom, how she worked hard para buhayin kami. Basta, I am just sooo proud to be a part of this business,” ani Arjo na ayaw na lang mag-elaborate ng ilang mga bagay-bagay.

Ayon naman kay Ms. Sylvia, “Nandito lang ako para kay Arjo at ibang mga anak ko. I treat them equally. Maingay lang ako at times pero ganoon lang iyon. Kilalang-kilala na ako ng mga anak ko.

Alam nilang first priority ko sila more than anyone. Gusto ko maayos ang buhay nila – talagang pinaghandaan ko ang future nilang lahat.

“Diyos ko naman, sa lahat ng pagsubok na dumating sa buhay ko, sa buhay namin, ngayon pa ba ako bibitiw? Kaya abot-langit ang pasalamat ko sa Itaas at binigyan niya ako ng isang napakasayang pamilya – a very wonderful husband and children.

May pagkamakulit lang ako sa pagpapaalala sa kanila,” ani Ms. Sylvia Sanchez. Anyway, marami ang nagtatanong sa akin kung may lovelife daw ba si Arjo ngayon. Hindi ko pa naitatanong sa baby natin kung meron ba siyang nililiyag ngayon.

Basta sa pagkakaalam ko, para siyang publicist ni Alex Gonzaga (matagal na niya kasing crush ang batang ito) dahil madalas niyang pinu-promote ang nalalapit na concert ng dalaga sa kaniyang social media accounts.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakakaloka palang magka-crush ang batang ito. Kaya Alex, alam mo na kung sino ang mamahalin one day. Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending