Mariel niraspa, pinatanggal na ang fetus sa tiyan | Bandera

Mariel niraspa, pinatanggal na ang fetus sa tiyan

Reggee Bonoan |April 01,2015
facebook
share this

Mariel niraspa, pinatanggal na ang fetus sa tiyan

Reggee Bonoan - April 01, 2015 - 02:00 AM

mariel rodriguez
Mukhang pinatanggal na ni Mariel Rodriguez-Padilla ang fetus sa kanyang sinapupunan na dapat sana’y magiging panganay nila ni Robin Padilla noong Martes.

Nag-post si Robin sa kanyang Instagram account ng picture na kuha sa Post Anesthesia Care Unit (PACU) sa Asian Hospital and Medical Center.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Glory be to God! Praise be to God! God is Great! Its done @marieltpadilla maraming salamat sa mga Doktor at Nurse ng Genesis Unit/ Asian Hospital.

Very professional and very polite team, pagpupugay din sa pag aalaga ng admitting personnel at nurse station ng 5th floor lalo sa housekeeping at catering. Billing na lang ang suspense.”

Suspense rin para sa followers ni Binoe sa Instagram kung sino ang nasa hospital, pero para sa mga nakakaalam si Mariel nga ang naospital kung saan siya niraspa.

Ito ang ginagawa kapag nagkaroon ng miscarriage ang isang babae. Tinanong ng katotong Vinia Vivar ang manager ni Robin na si Betchay Vidanes kung nagparaspa na nga si Mariel, “Yes po, kahapon (March 30),” sagot ni Betchay.

Maraming well wishers na nag-post sa IG ni Robin at iisa ang sinasabi ng mga ito, sana’y maging okay na si Mariel at sana’y makabuo uli sila ng bagong baby.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending