Megan Young balik-kapuso; magiging host ng Starstruck 2015 | Bandera

Megan Young balik-kapuso; magiging host ng Starstruck 2015

Ervin Santiago |March 31,2015
facebook
share this

Megan Young balik-kapuso; magiging host ng Starstruck 2015

Ervin Santiago - March 31, 2015 - 02:38 PM

megan young

Si Megan Young ang makakasama ni Dingdong Dantes bilang host ng original reality talent show ng GMA 7, ang Starstruck 2015.

Pumirma kaninang umaga ng bagong kontrata ang kauna-unahang Pinay Miss World sa Kapuso network – dumalo sa contract signing ang mga bossing ng istasyon sa pangunguna nina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto R. Duavit, Jr., SVP for Entertainment TV Lilybeth G. Rasonable, at ang manager ni Megan na si Arnold Vegafria. Matapos ngang makuha ang korona bilang Miss World 2013, nagbabalik si Megan sa kanyang unang tahanan. Produkto ng Starstruck season 2 ang beauty queen-actress kung saan nakagawa rin siya ng ilang programa, hanggang sa lumipat siya ng ibang network. Excited na si Megan na makasama si Dingdong sa pagbabalik ng Starstruck, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na matapos ang ilang taon ay magiging host siya ng programang pinanggalingan niya. “Masaya kasi siyempre dito ako nagsimula bilang isang Starstruck finalist. So ngayon, masaya ang pagbabalik kasi I’ve grown so much as a person, as an artist, and now nandito na ulit ako. “Noong umalis ako, I had a lot of friends. Hindi lang sa mga artista pero pati mga production staff ng Starastruck, Startalk, pati ang staff ko sa QTV (GMA News TV) noong time na ‘yun. Sila ‘yung mga na-miss ko talaga nang umalis ako,” sey ni Megan. Dugtong pa ng beauty queen, “Dati noong si Ate Jolens (Jolina Magdangal) ang co-host (ng Starstruck), talagang we really look up to her and to Kuya Dong kasi siyempre mga bata kami. At ngayon na isa na ako sa hosts, sobrang saya. Ang sarap sa pakiramdam.”  Kahit na magiging busy si Megan sa mga bago niyang proyekto sa GMA, tuloy pa rin ang trabaho niya bilang ambassador ng Miss World para sa humanitarian work ng internatonal organization. Na-extend kasi ng one more year ang kontrata ni Megan sa Miss World. “Na-miss ko rin ang acting, kasi nang nag-Miss World ako, walang acting doon. Mga isang taon at kalahati na rin ako nag-stop. Ngayon, siyempre kailangan mag-prepare ulit. I know that there’s a show coming up for me so I’m very excited,” sabi pa ng nag-iisang Miss World ng bansa.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending