Daniel inialay ang Global Nickelodeon award kay Kathryn | Bandera

Daniel inialay ang Global Nickelodeon award kay Kathryn

Ervin Santiago |March 31,2015
facebook
share this

Daniel inialay ang Global Nickelodeon award kay Kathryn

Ervin Santiago - March 31, 2015 - 02:00 AM

daniel padilla
Talagang pang-international na ang kasikatan ng Teen King na si Daniel Padilla. Walang duda, siya na ang maituturing na pinakasikat na teen star ngayon sa Pilipinas at maging sa iba’t ibang bansa pa sa buong mundo.

Hindi man napanalunan ni DJ ang Asian Act category sa taunang Nickelodeon Kids’ Choice Awards, waging-wagi na siya sa tinanggap na “Global Slime A Star” award mula sa Nickelodeon ngayong 2015.

Inialay ni Daniel ang kanyang pagkapanalo sa kanyang rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo na kasama niya ngayon sa Amerika for a series of show.

Ang Kapamilya superstar ang kauna-unahang Pinoy na nakatanggap ng nasabing award mula sa Nickelodeon. Sa official Facebook fanpage ng Nickelodeon, ang Indonesian idol group na JKT48 ang nanalo this year ng Kids’ Choice award for Asian Act category.

Meaning, mas marami ang bumoto sa nasabing Indonesian group kesa kay Daniel na naging representative nga ng Pilipinas.
Sey naman ni DJ sa lahat ng bumoto sa kanya, “Thanks everyone around the world for choosing me to be slimed. Yeah!”

Siyempre, hindi maiaalis na magreklamo ang ilang fans sa pagkatalo ni Daniel sa Asian Act category, pero agad silang pinayuhan ng nanay ni DJ na si Karla Estrada, Post ni Karla sa IG, “Guys its ok!!! Bonggaaa na ang manominate! And lets be thankful na may napanalo parin tayo! Tama na ang drama guys! Magpakasaya tayo!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending