Horoscope, March 31, 2015 | Bandera

Horoscope, March 31, 2015

Madam Sophia |March 31,2015
facebook
share this

Horoscope, March 31, 2015

Madam Sophia - March 31, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sundin ang tinitibok ng puso. Higit kang kikita ng malaking halaga kung sa halip na isip, emosyon ang gamitin! Sa pag-ibig, patuloy ang masarap na relasyon habang in love na in love ka parin sa kasuyong Sagittarius. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 36, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Bhakti-Hare-Om.” Red at yellow ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Kapag maraming pera kailangang matututo kang mag-savings. Sa pag-ibig, tuloy ang agos ng ligaya habang kadikit ang kasuyong Libra. Mapalad ang 9, 18, 21, 33, 42, at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Red at lilac ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Hindi lahat ng masayang kausap ay kaibigan! Isang mataba na sakang kung lumakad, ang manloloko sayo. Sa pag-ibig, ang kasuyong payat ang dapat na pagkatiwalaan. Mapalad ang 3, 15, 23, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Om.” Aquamarine at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Ang pagkilos nang mabagal ay sa kabiguan hahantong! Sa pagmamadali mas maraming salapi ang kikitain. Sa pag-ibig hindi naman dapat mag-apura, sa dahan-dahang romansa kakaibang sarap ang madarama. Mapalad ang 5, 17, 23, 33, 41, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Mohah-Yotah-Om.” Blue at silver ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Iwasang mag-isip ng negatibong mga bagay. Kailangang maging optimista, upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kapag patuloy kang naghihinala sa kasuyo na wala namang basehan, lalo lang masisira ang relasyon. Mapalad ang 4, 16, 34, 39, 43 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Om.” Green at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Sa malayong pook matatagpuan ang magandang kapalaran. Panahon na upang mag-abroad. Sa pagibig, huwag buruhin ang beauty sa Pilipinas, sa ibang bansa makakakita ka ng isang mayamang foreigner. Mapalad ang 1, 13, 22, 34, 37, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Amara-Ananda-Marga-Om.” Yellow at purple ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Unawain ang mga taong makikitid ang utak. Sa mga bobo at walang alam, kikita ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, talagang ganon – minsan nagtatanga-tangahan din ang kasuyo. Mapalad ang 7, 14, 23, 33, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Karma-Yoga-Ashana-Om.” Blue at dark green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)— Sa pagkakataong ito upang kumita ng mas malaking halaga sundin ang advice ng kasuyo. Sa pag-ibig, alisin ang pagdududa sa minamahal upang patuloy na lumawig at lumiyaga ang inyong relasyon. Mapalad ang 6, 12, 27, 35, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Prana-Prisada-Om.” Pink at red ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Hindi dapat magtiis na lang! Kung hindi ka magsisikap paano ka makakaahon sa kahirapan? Sa pag-ibig, gawing inspirasyon ang minamahal upang kumita ng malaking halaga. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Katha-Upanisad.” Green at black ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Habang pumapasok ang mainit na panahon lalong gaganda ang kapalaran. Malaking halaga ng salapi ang biglang matatangap. Sa pag-ibig, pagkatapos abutan ng malaking halaga ang kasuyo, magugulat ka mas magiging mapusok siya kaysa dati. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Krisna-Om.” Pink at violet ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Ipagpatuloy ang pagiging makulit. Sa kakukulit, kikita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, kulitin ang minamahal, upang makuha ang iyong gusto. Mapalad ang 7, 13, 22, 35, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Jiva-Gosvami-Om.” Yellow at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—May kalungkutang madarama dahil sa kawalan ng pera! Ganyan talaga ang buhay, lahat naman tayo ay nangangailangan, subalit bukas makalawa, matutuwa ka biglang darating ang inaasahang malaking halaga ng salapi! Mapalad ang 8, 17, 22, 35, 43, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Name-Narada-Name-Om.” Green at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Nasa tamang desisyon ang tagumpay! Mag-ingat sa anumang gagawing pagpapasya upang hindi na uli malugi. Sa pag-ibig, ngayon na ang panahon upang magpatago ng pera sa minamahal. Mapalad ang 7, 19, 28, 34, 43 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Amara-Ananda-Marga-Om.” Silver at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending