Hindi na mahal ng boyfriend | Bandera

Hindi na mahal ng boyfriend

Joseph Greenfield |March 30,2015
facebook
share this

Hindi na mahal ng boyfriend

Joseph Greenfield - March 30, 2015 - 07:08 PM

Sulat mula kay Jean ng Sto. Nino, SFDM, Quezon City

Dear Sir Greenfield,

1. May boyfriend po ako at magpa-five months na kami, ang problema imbis na maging msaya ang aming relasyon parang wala ring nangyayari, kasi nagwor-work siya, kaya bihira nya akong madalaw o mapasyahalan man sa aming bahay. Dati ang pangako nya sa akin once a week ay pupunta siya sa bahay, pero ang nangyayari sa ngayon minsan na lang siya sa isang buwan kung dumalaw at ang laging dahilan, busy daw siya sa work. Totoo kayang busy siya sa kanyang woirtk o baka naman hindi nya lang ako talaga mahal? Compatible kaya kami ng lalaking ito at kami kaya ang magkakatuluyan o dapat na akong makipag-break sa kanya, at maghanap nalang ako ng ibang mamahalin na may time para sa aming relasyon? September 16, 1990 ang birthday ko at February 12, 1989 naman ang boyfriend ko.

Umaasa,
Jean ng Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:

Hindi mo nga makakatuluyan ang kasalukuyan mong boyfriend sa halip panandalian lang ang kasalukuyang relasyon. Ito ang nais sabihin ng Guhit ng Panandaliang Relasyon sa iyong palad (Illstration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin darating ang mga ilang buwan pa, tuluyan na kayong magkaka-break.

Cartomancy:

Ang King of Diamonds, Five of Hearts at Queen of Clubs (Illustration 1.) ang nagsasabing, isang lalaking mayaman o may kaya sa buhay ang susunod mong magiging boyfriend na na nakatakda mong makilala sa darating na buwan ng Mayo sa taon ding ito ng 2015.
Itutuloy…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending