Iniwan ng misis dahil walang pera, nanalo ng P59M sa lotto | Bandera

Iniwan ng misis dahil walang pera, nanalo ng P59M sa lotto

Leifbilly Begas |March 30,2015
facebook
share this

Iniwan ng misis dahil walang pera, nanalo ng P59M sa lotto

Leifbilly Begas - March 30, 2015 - 03:25 PM

lotto 6-45ISANG tricycle driver na iniwan ng kanyang misis dahil sa problema sa pera, ang nanalo ng P59.2 milyong jackpot prize‎ sa Mega Lotto 6/45.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand Rojas II, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay mayroong dalawang anak at taga-Quezon City.
Ang kanyang‎ tinamaang numero- 02-03-14-22-29-30 ay galing umano sa kaarawan at edad ng kanyang mga mahal sa buhay.
Nagkakahalaga ng P20 ang kanyang taya ng manalo. Isang taon na umano siyang tumataya.
Ayon sa nanalo iniwan siya ng kanyang misis may dalawang taon na ang nakakaraan matapos ang kanilang madalas na pag-aaway dahil sa pera.
Kulang umano ang kanyang kinikita kaya kahit ang kanyang mga anak ay tumigil sa pag-aaral. Bago tumigil ay madalas umanong walang pambaon ang kanyang mga anak na wala ding pambili ng gamit.
“Hanggang hindi na ho nakatiis ang asawa ko iniwan na kami,” saad ng nanalo kay Rojas.
Sinabi ni Rojas na kung malalaman ng kanyang misis na siya ang nanalo ay babalik na ito. Hindi naman nakasagot ang jackpot winner.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending