Claudine: Bangungot pa rin para sa akin ang pagkamatay ni Rico! | Bandera

Claudine: Bangungot pa rin para sa akin ang pagkamatay ni Rico!

Ervin Santiago |March 30,2015
facebook
share this

Claudine: Bangungot pa rin para sa akin ang pagkamatay ni Rico!

Ervin Santiago - March 30, 2015 - 03:19 PM

rico yan

INAMIN ni Claudine Barretto na isa pa ring “bangungot” para sa kanya ang pagkamatay ng kanyang dating boyfriend na si Rico Yan kahit na nga mahigit 10 taon na rin ang nakararaan.

Sa kanyang Instagram account idinaan ng nakahiwalay na misis ni Raymart Santiago ang kanyang emosyon tungkol kay Rico – ginunita ng kanyang pamilya at mga kaanak ang pagkamatay ng aktor noong Linggo. Ayon kay Claudine, talagang nagpapaka-busy daw siya kapag sumasapit ang March 29 (death anniversary ni Rico) para hindi siya atakihin ng sobrang depresyon at matinding kalungkuatan. Nag-post ang aktres sa kanyang Instagram ng isang litrato na kuha sa isang gym kung saan makikita siyang nag-e-exercise, ito raw ang isa sa mga ginagawa niya kapag dumarating ang araw ng pagkamatay ni Rico. “Hit again! Para wala nang lungkot. [I] Hate this day. March 29, every year you are my nightmare! Missing you, RY,” ang caption na inilagay ng aktres sa nasabing photo. In fairness, mahigit 1,000 ang nag-like sa post na iyon ni Claudine na nagsabing nakikisimpatya sila sa nararamdaman ng aktres. Kung matatandaan namatay si Rico Yan dahil sa cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis noong March 29, 2002. Si Claudine naman ay patuloy na nakikipaglaban sa korte laban kay Raymart matapos silang maghiwalay. Samantala, kahapon, March 29, ginunita nga ng pamilya at mga kaibigan ni Rico Yan ang kanyang 13th death anniversary. Isang misa ang ginanap sa pangunguna ni ABS-CBN Integrated Public Service head, Fr. Tito Caluag. Sabi nga ng pari sa interview ng ABS-CBN, “Happy ako na hanggang ngayon, marami pa ring nakakaalala.” Naikuwento rin ni Fr. Caluag ang pag-uusap nila kamakailan ng itinuring na best friend ni Rico na si Dominic Ochia, palagi rin daw binibisita ng aktor ang libingan ng kanyang kaibigan sa Manila Memorial Park. “Nag-usap kami ni Dominic mga three weeks ago. Sabi ko kay Dom, ‘Alam mo, kapag may importante akong pinag-iisipan o dinadasal, dumadaan ako kay Rico. Sinasabi ko kay Rico, ‘Iayos mo naman ako diyan sa taas. Palinawin naman ng konti kung ano ang dapat kong gawin.’ And then sabi ni Dominic, ‘Ako rin. Alam mo ba kapag may major akong decisions, dumadaan ako kay Rico, kinakausap ko siya,’” kuwento pa ng pari.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending