Mommy Divine nagsawa na sa pagbabantay kina Sarah at Matteo | Bandera

Mommy Divine nagsawa na sa pagbabantay kina Sarah at Matteo

Ambet Nabus |March 30,2015
facebook
share this

Mommy Divine nagsawa na sa pagbabantay kina Sarah at Matteo

Ambet Nabus - March 30, 2015 - 02:00 AM

matteo sarah geronimo

HINDI na nga basta-basta iniintriga ngayon ang mga eksenang kilig at sweet-sweetan emote nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli. Kung dati ay laging mayroong Mommy Divine na gumigitna sa mga kagayang eksena (lambingan in public, paghalik, madalas na pagsasama), ngayon nga ay very smooth-sailing na ang lahat.

Kung totoo ang aming nasagap na tsika, talaga raw hinahayaan na lang ito ngayon ng dakilang ina ni Pop Princess Sarah dahil nakikita naman daw nitong “sincere, loyal at very respectful” si Matteo sa pagpapakita ng pagmamahal sa idolo natin.

Sa dami ng nakakarating sa aming mga tsika mula sa mga kapwa-Popsters kung paano silang mas tumitibay ngayon, lahat nga ay nagkakaisa sa pagsasabing very soon ay mauuwi rin sa mas bongga at seryoso ang relasyon ng dalawa.

Pinatitibay ng Ed Sheeran song na “Thinking Out Loud” ang love story ng dalawa at mukhang seryoso na rin nilang ine-enjoy ang pagkarga at pag-aalaga sa mga babies (kitang kita sa binyag ng anak ni Dimples Romana at sa isa pang okasyon na may mga babies), na tinutukso ngang pagpapraktis na raw nila as parents.

Sinong may sabing hindi keri na pagsabayin ang tamis at ganda ng showbiz career at lovelife? In na in ang career ni Matteo habang on top of her game pa rin si Sarah bilang isa sa mga prime superstars ng bansa.

We could just not be very happy for them dahil sa totoo lang grabe rin ang pinagdaanan ng lovelife nila anoh! Push natin ang inspiration mga kapwa Popsters Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending